Lola, kritikal sa saksak ng magnanakaw

KRITIKAL ANG ISANG lola matapos pagsasaksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga magnanakaw nang maaktuhan ng una ang pag-hahalungkat ng mga gamit sa loob ng kuwarto ng biktima sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Ginagamot sa Mary Johnston Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Oliva Gallardo, 60 ng A. R. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng umaga, nagising ang biktima nang maramdaman ang paghahalughog ng mga suspek sa plastic cabinet ng lola sa loob ng bahay nito.

Tinangka ng biktima na humingi ng tulong subalit pinagtulungan itong pagsasaksakin ng mga suspek bago nagsitakas habang dinala naman ang una sa nasabing ospital.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.