Lola, kritikal sa buto ng santol

 

ISANG LOLA ANG naka-confine ngayon sa pagamutan nang makalulon ng maraming buto ng santol sa bayan ng Ibajay, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Emerita Noble, 75 anyos ng Barangay Aquino, Ibajay, Aklan.

Sinasabing inireklamo ng lola ang matinding pananakit ng tiyan at nang isailalim sa X-ray ay natuklasang maraming

buto ng santol ang bumara sa kanyang bituka na hindi na natunaw.

Ayon sa kaanak ng biktima, nakasanayan ni Noble  na lumunok ng buto ng santol na panahon ngayon ng naturang prutas sa Aklan.

Una rito, isinailalim sa o-perasyon ang lola kahapon at sa ngayon ay nananatili pa rin sa ICU at inoobserbahan ng kanyang mga doktor.

Napag-alaman na noong nakaraang taon ay isang babae rin ang namatay dahil sa bumarang buto ng santol sa kanyang bituka.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Lola, kritikal sa buto ng santol

Leave a Reply

Your email address will not be published.