Lola, Kinatay ng May Sayad na Apo

 

PATAY ANG 77-anyos na lola sa tadtad ng saksak ng sariling apo sa Pangpang Norte, Mambusao, Capiz.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital si Lolita Letonio dahil sa napakaraming sugat na natamo mula sa pananaksak ng 26-anyos na apo na kinilalang si Rene Plema, na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Ayon kay Insp. Samuel Vipinosa, hepe ng Mambusao police station, bigla na lamang inundayan ng saksak ng suspek ang biktima gamit ang kutsilyo nang ito ay binigyan ng pagkain at gatas.

Ayon pa kay Vipinosa, halos isang buwan na mula nang makalabas mula sa mental hospital si Plema at may rekord na ring pananakit sa ibang tao.

Kasalukuyang naka-detine sa selda ng pulisya ang suspek habang patuloy ang pagsisiyasat. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.