Lola, kalaboso sa pandurukot

ARESTADO ANG ISANG lola matapos itong ireklamo ng isang negosyante nang dukutin ng una ang perang pinagbentahan ng bigas ng huli sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ang suspek na nakilalang si Conception dela Cruz, 56, ng # 1921 Trinidad, Rizal Tondo, Manila.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Ralph and Raiza Bigasan sa Dulong Duhat Market, Hulong Duhat Malabon City.

Sa reklamo ni Ronald Lahara 35, binata ng #16 Nibungco St., San Agustin ng lungsod, saglit lamang itong tumalikod sa kanyang paninda na siya naman sinamantala ng suspek sabay dukot ng perang kanyang pinagbentahan na P2,050.00

Dito, agad na humingi ng tulong ang biktima na naging dahilan ng pagkakadakip at dinala ito sa nasabing himpilan ng pulisya upang sampahan ng kaukulang kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.