Lola, Inatado ng Kawatan

KRITIKAL SA pagamutan ang isang 70-anyos na lola matapos pagsasaksakin ng hinihinalaang magnanakaw nang sapilitang pasukin ang bahay nito kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng walong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Myrna Permo ng No. 15 Felomina St., Manotok Subd., Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw, himbing na natutulog sa silid nito ang biktima nang makarinig siya ng ingay sa ibaba ng kanilang bahay.

Dito, bumangon ang biktima upang alamin ang ingay hanggang sa may kumalabog at nakita nga nito ang suspek dahilan upang siya ay magsisigaw.

Subalit, agad itong nilapitan ng suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak saka tumakas, habang dinala naman sa nasabing pagamutan si Permo kung saan nasa malubha itong kalagayan.

May hinala ang pulisya na planong pagnanakaw ang pakay ng suspek sa pagpasok sa loob ng bahay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.