Lola, hinoldap ng Riding-in-Tandem

NATANGAY ANG mga mamahaling alahas na suot ng lola nang holdapin ng anim na hindi pa kilalang mga suspek sakay ng tatlong motorsiklo habang ang una ay nakaupo sa labas ng kanilang bahay kasama ang apo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Sa pahayag ng biktimang si Melody Villagonzalo, 55, ala-1:48 ng hapon, katabi niyang nakaupo ang apo sa labas ng kanilang bahay sa Don Basilio Bautista St., Hulong Duhat ng lungsod nang hintuhan ng mga suspek sakay ng tatlong motorsiklo na hindi na nakuha ang plaka.

Tinutukan ng baril ang biktima bago kinuha ng mga suspek ang gintong hikaw, tatlong bracelet at apat na singsing na aabot sa halagang P100,000.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nagpunta naman sa presinto ang biktima kung saan nag-iimbestiga na ang mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.