Lola, Ginulpi ng Pinsan na Lolo

KULONG ANG isang lolo matapos pagsusuntukin at pagsisipain ang pinsan na lola sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Physical Injury si Efren Delos Reyes, 61 ng North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sapak at sipa naman ang inabot ng biktimang si Severina Mateo, 61 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi, nagkita ang magpinsan sa C-4, Bagong Tulay, NBBN at inaway ng suspek ang biktima.

Pinagsusuntok at pinagsisipa ng suspek ang biktima kung saan nang makita ng mga nakasaksi ay inawat at dinala sa presinto ang suspek habang dinala sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang biktima upang malaman kung may napinsala sa katawan.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinagtatalunan ng magpinsan.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.