Lola, ginahasa bago pinatay

PATAY ANG ISANG lola nang hampasin ng hollow blocks sa ulo matapos gahasain ng umano’y may diperensiya sa pag-iisip sa Madalag, Aklan, noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Carmelita Nadua, 85 taong gulang at residente ng Barangay Poblacion sa naturang bayan.

Pumasok umano ang salarin sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana at ginahasa ang lola bago pinatay.

Arestado naman ang salarin na pansamantalang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Lola, ginahasa bago pinatay

  1. Pingback: Tweets that mention Lola, ginahasa bago pinatay « Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.