Lola at Nanay ni Charice Pempengco, nagkabati na! – Cristy Fermin

ILANG PANAHON DING nagkaroon ng delubyo sa relasyon ng ina at lola ni Charice Pempengco. Hindi malaman ng batang singer kung kanino siya kakampi, ang kanyang lola ang sumasama-sama sa kanya noon sa mga kumpetisyon, pero nang sumikat na siya ay kinopo naman ng kanyang inang si Raquel ang kredito.

Natural, umalma ang lola ng young singer, ano’ng nangyari at nawalan na ito ng papel sa buhay ng kanyang apo? Paano na ang pananahi nito ng mga damit para kay Charice kapag sumasali siya sa mga amateur contest?

Paano na ang pangungutang ng kanyang lola sa mga kapitbahay nila para lang meron silang ipamasahe papunta sa ABS-CBN nu’ng sumali siya sa Little Big Star, ganu’n na lang ba ‘yun?

[ad#post-ad-box]

Pero pinanindigan ni Raquel ang kanyang kuwento, kahit sa mga show nina Ellen Degeneres at Oprah Winfrey ay ganu’n ang alam ng buong staff, ito ang sumubaybay kay Charice nu’ng nangangarap pa lang maging sikat na singer ang batang singer.

Sabi ng lola ni Charice ay hindi naman ito naghahabol ng anuman, ang tanging gusto lang ni Nanay Tess ay ang maging totoo ang kanyang anak na si Raquel, dahil alam naman ng kanilang mga kapitbahay sa Laguna ang katotohanan.

Sabi ng lola ni Charice noon, “Kahit saan ako magpunta, ang tanong sa akin ng mga may alam tungkol sa mga sakripisyo ko kay Charice, ano na raw ang nangyari, bakit ang lumalabas, e, si Raquel ang sumasama-sama noon kay Charice sa mga amateur contest?

“Ako naman, walang maisagot, hindi ko rin alam kung bakit nga ba nagkaganu’n ang sitwasyon? E, ako naman talaga ang may bitbit sa batang ‘yun kahit saan, pero nu’ng nagkapangalan na siya, biglang ang nanay na niya ang kasa-kasama niya raw sa mga amateur contest?” kuwento noon ni Nanay Tess.

Pero kuwento na lang ‘yun ng nakaraan dahil ngayon ay nagkaayos na ang mag-inang Tess at Raquel, may komunikasyon na sila ngayon, kaya natural lang na maligayang-maligaya naman si Charice Pempengco sa naging resulta ng pag-uusap ng kanyang lola at ina.

CUTE ANG NAGING dating sa amin ng kuwento kung paano nalulusutan ng isang guwapo at sikat na young actor ang kanyang karelasyong young actress na balitang napakahigpit at selosa at gusto na siyang hawakan sa leeg.

Natural, dahil bagets pa ang lalaki ay gusto naman niyang mapaiba ang ikot ng kanyang mundo paminsan-minsan, palagi na lang silang magkasama ng kanyang girlfriend sa taping at shooting, kaya kumbaga sa pagkain ay ayaw niyang magsawa.

May mga pagkakataong sasabihin ng guwapo at sikat na aktor na meron siyang bibisitahing kamag-anak, kararating lang daw sa bansa ng mga ito, pero aalis din sila kaagad.

Sabi ng aming source, “Palusot lang niya ‘yun para huwag nang mangulit ang girlfriend niya na sumama sa kanya, mahirap na nga naman, dahil ang totoo, e, wala naman siyang dadalawing kamag-anak kundi gigimik lang sila ng mga katropa niya.

“Kung hindi masyadong dudera ang girl, ‘di kasama sana siya sa gimik nu’ng guy? Kaso nga, masyado siyang selosa, kung anu-ano agad ang iniisip niyang gagawin nu’ng boyfriend niya, kaya nagtatago na ng lakad sa kanya si lalaki!

“Nakalulusot naman siya, nakapagbubuhay-malaya rin siya paminsan-minsan. May mga pagkakataong nabubuking siya ng girl, pero kadalasan, malinis ang paggawa niya ng milagro,” kuwento ng aming source.

Mahal na mahal naman ng guwapo at sikat na young actor ang kanyang girlfriend, hindi niya naman ito kinakaliwa, pero natural lang na sa tawag at kaway ng pagiging bagets ay lapitin siya ng mga babae lalo na’t sikat siya at guwapong-guwapo.

“Konting paglilibang lang naman ang gusto niya, nakabuburyong nga naman ang puro trabaho lang, pero magkaiba kasi ang gusto nila, e. Ang gusto ng girl, mag-stay na lang siya sa bahay para makapagpahinga siya, na tama rin naman!

“Bagets pa kasi siya, natural lang na maghanap pa rin siya ng gimik, lalo na’t ‘yun ang nakasanayan na niya nu’ng hindi pa siya artista,” kuwento pa rin ng aming source.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

7 thoughts on “Lola at Nanay ni Charice Pempengco, nagkabati na! – Cristy Fermin

  1. ginagawan na naman ng butas ang kuwento ng lola at nanay ni charice para may makitang ikasasama na naman nya sa international arena.

    just leave this multi talented alone, hindi yung storya nya sa buhay kundi yung talent nya ang dapat tignan, wag nang hilahin pababa.. siguro di makaamot ng barya ang writer (daw) na eto..

  2. ATE CRISTY FERMIN….NDI KNB TLGA KINUHA NG ABS-CBN….KAKALUNGKOT KC…NASAKSIHAN KO KC PANO ANG GINAWA MO PAGTATANGGOL MO AT CONCERN SA MOTHER STUDIO MO….GANON NA LANG GINAWA SAYO…NAMIMIS NA KITA KHIT SA RADYO…WALA KC SENSE YN BAKLANG KAPARTNER MO NOON MAG ANNOUNCER…CHEAP ANG DATING…AT LEAST IKAW ATE..LAHAT NG LEVEL ABOT MO..SANA KUNIN KA ULIT…HEHEHHEHE

  3. Sasabihin ko sanang Dingdong at Marian dahil selosa na ngayon si Marian, PERO sabi bagets at young actress. Si Marian, gurang na. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.