Lola at 3 Apo, Tustado sa Sunog

ISANG LOLA kasama ang kanyang tatlo apo ang pawang naging abo makaraang hindi makalabas sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Arson Division ng Caloocan City Firte Department ang mga namatay na biktma mna sina Shermalyn Cudra, 4; Maria Rebecca, 2; Alexander, 1; at ang kanilang lola na si Eufemia Cuadra y Ramos, 54, na pawang residente ng # 87 Teresa St., Admin Site, Brgy. 186, Tala ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ni SFO1 Edwin Buenaventura ng Caloocan City Fire Station, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang naturang sunod sa nasabing lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SF01 Buenaventura, isang napabayaang may sindinding kandila ang pinagmulan ng sunog dahil hindi muna pinatay ang kandila bago matulog ang mga biktima na nagresulta ng pag-apoy ng nasabing bahay.

Nabatid na bago umano masunog ang bahay, ang ina ng mga biktima na si Jocelyn at ang ama ng mga biktima ay wala sa kanilang bahay at nasa bahay ng kanilang kapitbahay na nanonood ng telebisyon.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ang nasabing himpilan ng pamatay-sunog ng masusing imbestigasyon para matukoy ang tunay na dahilan ng nasabing insidente.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.