Lola; 3, pa sugatan sa rumaragasang truck

SUGATAN ANG apat katao kabilang ang isang lola makaraang araruhin ng Elf truck ang isang bahay sa bayan ng Tangalan, Aklan .

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Remedios Pilar, 76 anyos ng Brgy. Tamalagon.

Bahagya namang nasugatan ang driver ng truck na kinilalang si Jessie Jordan, 27 anyos at residente ng Brgy. Tigayon; mga  construction worker na sakay ng truck na sina Jonito Ambrosio at Isagani Sabino na pawang naka-confine sa Aklan Provincial Hospital.

Base sa report ng Tangalan PNP, habang minamaneho ni Jordan ang Elf truck ay bigla umano itong nawalan ng kontrol sa manibela at dire-diretsong bumangga sa bahay na pagmamay-ari ni Ruben Tandog.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-overtake muna ang naturang truck sa isang bus bago nahulog sa gutter at bumangga sa bahay.

Mahigpit namang binabantayan ng awtoridad ang driver na ginagamot sa ospital dahil sa mga sugat sanhi ng insidente.            (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.