Lokal na industriya ng bakal nalulusaw Batangas Judge Inireklamo sa SC Dahil sa Pagiging ‘Bias’

 

NANGANGANIB UMANONG madomina ng mga imported na steel products galing China ang industriya ng bakal sa Pilipinas dahil sa napipintong pagsasara ng natitirang pagawaan ng bakal na 100% Filipino-owned.

Ito ang buod ng rekla-mong isinampa sa Supreme Court ng Steel Corporation of the Philippines (SCP) laban kay Judge Ruben Galvez ng Branch 3 ng Fourth Judicial Region, Batangas Regional Trial Court.

Si Galvez ang dumidinig sa receivership case ng SCP, ang pinakamalaking steel mill sa bansa na gumagawa ng cold-rolled coils (CRC) at steel sheets at nakabase sa Balayan, Batangas.

Batay sa 30 pahinang reklamo na inihain ni Atty. Nonnatus Chua, SCP legal counsel at Vice-President for Legal, inakusahan ng SCP si Galvez na binalewala nito ang inihaing mga apela ng kumpanya sa Court of Appeals at Korte Suprema na humihiling na pigilan ang pagsasara ng rehabilitation proceedings na magbibigay-daan para tuluyang ma-take-over ng Banco De Oro ang SCP.

Nag-ugat ang problema ng SCP nang mangutang ito ng halagang PHP1.3 bilyon. Isa sa mga creditor ng SCP ang Banco De Oro na pagmamay-ari ni Henry Sy ng Shoemart.

Nang humiling ng negosasyon ang SCP para sa debt restructuring, biglang naghain ang BDO noong Setyembre 11, 2006 ng petisyon sa Batangas RTC na humihiling na isailalim ang SCP sa corporate rehabilitation. Ayon sa SCP, pakana ito ng BDO para mapasakamay ng bangko ang kumpanya sa napakamurang halaga.

Iginiit ng abugado ng SCP na sa kabila ng naka-pending nilang mga apela sa CA at SC, basta na lang nagdesisyon si Galvez sa pamamagitan ng isang order nito na ipinalabas noong Setyembre 19, 2012 na nag-uutos na ikumbert ang rehab proceedings tungong liquidation proceedings na ang pinagbatayan ay ang mali umanong report ni Atty. Norma Singson-De Leon, ang rehab receiver na itinalaga ng korte.

Sa naturang report u-mano ni De Leon (Receiver’s Report III, 11 June 2012) na tinanggap ng RTC noong Hun-

yo 19, 2012, inirekomenda ang terminasyon ng rehab proceedings at sa kabilang banda, inirekomenda naman ang pagkumbert ng kaso sa liquidation proceedings batay umano sa isinasaad ng Republic Act No. 10142 o Financial Rehabilitation and Insolvency Act (FRIA) of 2010.

Ayon sa SCP, sablay ang desisyon ng RTC kung ito lang ang pinagbatayan ng korte dahil hindi muna ito gumawa ng paunang pagsisiyasat ng datos kaugnay sa kalagayan ng kumpanya. Hindi umano aplikable ang FRIA na pinagbatayan ng rekomendasyon ni De Leon.

Sa pag-iisyu umano ni Galvez ng liquidation order, pinangunahan na nito ang CA at Korte Suprema kaugnay sa merits ng mga apelang inihain ng SCP.

Nilabag din umano ni Galvez ang Canons of Judicial Ethics dahil hindi ito nagbigay ng pagkakataon para repasuhin ang kaso ng SCP. Isa umano itong “gross ignorance of the law and procedure” sa panig ni Galvez dahil walang ibinigay na due process para sa SCP.

Isinaad pa ng reklamo na walang inilunsad na “evidentiary hearing” bago katigan ang report ni De Leon.

Inireklamo rin ng SCP na noong Oktubre 1, 2012, bago pa man inilabas ang notice of issuance ng liquidation order, pwersahang ipinasara ang planta ng SCP sa Balayan, Batangas. Isinagawa ito ni Sheriff Nilo Villalobos na nagpakilalang sheriff ng RTC Branch III, kasama si Sheriff Eufemio Alea, at ilang private security personnel na napag-alamang pinangangasiwaan ng mga abugado ng BDO na sina Stephen Quiambao at Mikee Villa. (PARAZZI REPROTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.