Localized Peace Talks, Ibinasura ng CCP

IBINASURA NG Communist Party of the Philippines (CPP) ang suhestyon ng DILG na magkaroon ng localized peace talks sa mga New People’s Army (NPA).

Sinabi ng CPP na ang pinapalutang na localized peace talks ay pagpapakita lamang na walang intensyon ang Aquino administration na solusyunan ang puno’t dulo ng armed conflicts.

Una nang sinabi ni Interior Sec. Mar Roxas na pabor siya sa mungkahi ni Defense Sec. Voltaire Gazmin sa pagsasagawa ng localized peace talks sa NPA.

Sinabi ni Roxas na susuportahan ng DILG at Philippine National Police (PNP) ang anumang paraan na makasisigurong magkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa pagitan ng mga rebelde at gobyerno.

Samantala, babalangkasin naman ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang anumang magiging panuntunan sakaling isulong na ang localized peace talks.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.