Local Rice Producers, Umapela sa Palasyo Kaugnay ng Smuggling

UMAPELA NA sa Malacañang ang ilang stakeholders ng rice industry sa bansa na mapagkalooban ng kahit mas mababa sa ika-apat na bahagi ng P10 bilyong conditional cash transfer (CCT) fund ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito anila’y para sa mga magsasakang naaapektuhan na ng rice smuggling.

Sinabi ni Jojo Soliman ng grupong Alliance to Green Industry na kung mapagkakalooban ng CCT ang mga magsasaka ay makasasabay na ang mga ito sa labanan sa smuggled na bigas na pumapatay aniya sa industriya ng bigas sa bansa.

Samantala, inihirit pa ng grupo na magkaroon ng police power ang National Food Authority (NFA) para magmanman sa illegal rice shipment at makumpiska ang mga hinihinalang smuggled na bigas.

Nais din nilang makapagpasa ang Kongreso ng batas na magkokonsidera sa rice smuggling bilang economic sabotage.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.