Local Leader ng UNA at Nacionalista Party, Niratrat

PATAY SA pamamaril ang local leader ng United Nationalist Alliance (UNA) at Nacionalista Party (NP) sa Katipunan, Zamboanga del Norte.

Lumalabas sa pagsisiyasat, pauwi na mula sa sabungan sa Barangay Tuburan, Katipunan si Benjamin Ampal, 36-anyos nang pitong beses pagbabarilin ng mga salarin gamit ang kalibre .45 baril.

Sinabi ng mga nakasaksi na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo ang mga suspek matapos ang naturang pamamaril.

Nabatid naman na si Ampal ang nangangasiwa sa pangangampanya ng UNA at NP sa kabundukan.

Samantala, bukod sa may kinalaman sa halalan, tinitingnan ding motibo ng mga awtoridad ang mga nakaaway ni Ampal noong nakaupo pa itong barangay captain, pagiging miyembro ng CAFGU, umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drugs at nagpapautang din.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.