Lloyd Samartino, sasapakin ni Baron Geisler?!

PINAKAMALAKI NA YATANG pagkakamali ng GMA-7 ang kanlungin ang bagong saltang si Baron Geisler. Una pa lang kasing proyekto ng actor sa naturang network ay kasong acts of lasciviousness na kaagad ang kanyang kinaharap bunsod ng reklamo ng kanyang co-star na si Yasmien Kurdi.

Hindi na bago sa pandinig ang nasabing reklamo, the same case was filed by Patricia Martinez, daughter of William and Yayo. Pero sadya yatang may tinatawag na “vicious cycle”, at sa pagkakataong ito, in recent memory ay hindi tungkol sa kalapastangan sa pagkababae ang isyung sangkot na naman si Baron.

Welcome to the club, Aljur Abrenica. But just when you thought that it was Baron’s first assault on a fellow guy, nagkakamali kayo. Sa shooting din sa Bohol (ng Aljur-Kris movie), muntik na rin palang  magkaroon ng physical na engkuwentro sina Baron at Lloyd Samartino.

Ayon sa aking source, break ‘yon sa set, and what better way to relax than drink lalo pa’t maulan sa location.

Sa kalagitnaan daw ng tomaang iyon, hindi nagustuhan ni Baron ang ginawang pagtatanggol ni Lloyd kay Aljur kaya’t na-bad trip ito. Cooler heads then intervened, naiwasan ang inaasahan na naming “bad boy act” ng actor na tila sumusunod sa yapak ni Robin Padilla.

It’s a known fact,  may kung anong pagkatao ang sumasapi kay Baron kapag nasa ilalim ng impluwensiya ng alak, na dapat sana’y inimbak na lang niya sa kanyang tiyan at hindi na hinayaang umakyat sa kanyang ulo.

LIBRENG GUPIT DITO, medical at dental mission doon, bawat community service na lang na naisip ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ay iniaalok niya sa kanyang mga constituents.

Ang termino pala rito ay “bumababa” ang pinuno sa mga tao, hindi literal na pakikisalamuha sa mga kabilang sa grassroots kundi pag-aalok ng tulong kung saan higit itong kailangan.  Hudyat din ito ng sinumang public servant na kaagapay ng mga tao ang gobyerno sa kanilang pangangailangan o karaingan.

Kaya naman malaking advantage din ni Aiko ang pagkakaroon ng showbiz konek tulad ng pamosong hairstylist/salon owner na si Bambi Fuentes na halos lahat ng parokyano ay taga-showbiz. Laging frontliner kasi si Bambi ng libreng gupit with the stars kamakailan na inilunsad ng aktres, puwera pa rito ang ilan pang  proyektong pangkalusugan for the benefit of Kyusi residents.

Samantala, kumpirmado nang tatakbo bilang councilor ng nasabi ring lungsod si Ara Mina. Any tips kaya from Aiko to ensure Ara’s winnability?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

7 thoughts on “Lloyd Samartino, sasapakin ni Baron Geisler?!

  1. adik yang si wiili.
    sa sex, drugs, fame, power, girls

    _____________
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    _____________

  2. mga kababayan pag ipagpaumanhin na po natin si baron ganyan talaga pag nagtutubig ang utak nyang buset na yan…

  3. kung bakit naman kasi binibigyan pa ng proyekto e2ng si baron eh baronbado naman talaga!
    kahit magaling syang aktor eh hindi nangahulagan na dahilan un para kuhanin sya.

  4. Alam na alcoholic, siguro naman, pag andiyan siya, iwasan muna ang inuman. wala bang kamaganak o matalik na kaibigan na makakatulong kumbinsihin na magpa rehab na? Wala bang alcoholics anonymous diyan sa Pinas? Malaki ang maitutulong nang organisasyon na ito. Sayang siya.

  5. baron needs to be sent to a rehab coz he does more harm than good. sayang siya dahil magaling pa naman siyang aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.