LJ Reyes, nagbuyangyang ng dibdib sa pelikula!

SUPER SEKSI si LJ Reyes nang sumayaw ito kasama ang iba pang mother na ring actress sa World Trade Center para sa 100 Sexiest ng isang men’s magazine. Pinanindigan ni LJ ang pagiging hot mama. Kahit magda-dalawang taon na ang anak nila ni Paulo Avelino na si Aki ay nandoon pa rin ang pagiging seksi at slim ng flawless niyang katawan.

Naniniwala kasi si LJ na isa sa dahilan kung bakit siya pumayat talaga ay ang pagbi-breastfeed niya.

“Tingin ko talaga, ‘yung pagbi-breastfeed ko ang dahilan kaya madali akong pumayat. Kasi ako naman, kumakain naman talaga ako. Siguro ‘yung rice lang, hangga’t maaari, hindi ako nagra-rice. At saka suwerte rin siguro ako, kasi mabilis naman ang metabolism ko.”

Samantala, naloka si LJ dahil tila sa kanya naibuhos ng ilang entertainment press ang sentimyento sa kanyang live-in partner na si Paulo Avelino.

Aniya, “Naku naman, bakit sa akin ninyo sinasabi ‘yan? ‘Di ba dapat sa kanya! Hahaha!”

Karamihan kasi ng press ang nagsabi sa kanya na hindi ba siya nao-offend na hindi man lang sila binanggit sa thankful speech ni Paulo nang tumanggap ng award.

Depensa naman ni LJ sa live-in partner, “Importante pa ba ‘yun? Alam naman na ang totoo. At saka, ‘yung isa naman na ‘yun, alam naman natin na hindi naman siya good speaker talaga.”

Siyanga pala, siguradong maraming magugulat sa pagta-topless ni LJ Reyes sa Intoy Syokoy, kung saan makailang beses din siyang pumayag magkaroon ng bed scene sa mga baguhang actor na nakasama sa indie film.

 

SI ERIC Quizon ang isa mga anak ni Mang Dolphy na masasabing matatag at hindi ipinakikita na nagdurugo ang puso sa pagkamatay ng kanilang ama.

Na-share ni Eric nang nag-aaral pa siya ay wala sa isip niya na siya ay anak sa labas ni Mang Dolphy. Nakakasama niya ang Comedy King sa kanilang ta-hanan kaya kahit sa panaginip ay ‘di niya inisip na siya ay anak sa labas.

Hindi niya makalilimutan nang pagsabihan siya ng schoolmate na siya raw ay anak sa labas. Dahil sa panunukso ng schoolmate ay sumiklab ang galit sa dibdib kaya nakipasuntukan siya sa naturang schoolmate.

Pag-uwi ng kanilang bahay, kinausap niya si Mang Dolphy at tinanong kung totoo ba na siya ay anak sa labas?

Sagot sa kanya ni Mang Dolphy: “Walang anak sa labas. Paano kita magiging anak sa labas, nandito ka sa loob ng bahay. Basta tandaan mo, anak kita.”

Samantala, si Eric din ang nag-aasikaso ng mga dapat ayusin nilang magkakapatid para sa paghahatiang mana na iniwan ng kanilang ama, kasama na rin dito ang share na dapat mapunta kay Zsa Zsa at dalawang anak nila ng Comedy King.

Umaasa si Eric na hindi makaka limutan ng sambayanang Pilipino ang idinulot na kasiyahan ng kanilang ama.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong nagmahal at nagdasal sa kanilang ama na hanggang sa huling sandali ng buhay nito ay hindi siya iniwanan.

 

SOBRA ANG pag-aalala ni Alma Moreno sa kanyang anak na si Vandolph Quizon dahil sa pagkamatay ng ama nitong si Dolphy. Alam kasi ni Alma, kung gaano ka-close ang dalawa at hindi niya alam ang magiging epekto nito sa kanyang anak emotionally. Si Vandolph kasi ang pinakabunso sa lalaki sa labing walong anak ng Comedy King, Pang-16 si Vandolph sa kanila.

Nanumbalik kay Alma ang pag-alala niya kay Vandolph, tulad ng pag-alala niya kay Mark Anthony Fernandez noong sumakabilang-buhay naman si Rudy Fernandez noong 2008.

Kaya ngayong wala na si Mang Dolphy ay todo nga ang pagbabantay ni Ness kay Vandolph dahil alam niyang labis itong nalulungkot dahil wala na nga ang taong nakasanayan na niyang puntahan tuwing may mga problema ito.

“More than me nga, si Dolphy ang takbuhan niya. Natural lang naman ‘yun kasi pareho silang lalaki. Problemadong lalaki kaya silang dalawa ang dapat na mag-usap. Dasal ko lang na maging matatag si Vandolph dahil alam ko na sobra siyang malungkot ngayon. Lagi ko naman sinasabi sa kanya na nandito ang mama niya. Nandito lang ako na handang makinig kung may problema siya dahil mahal na mahal ko ang mga anak ko,” pagdidiin pa ni Ness.

Nagpaabot ng paghanga si Ness kay Zsa Zsa Padilla dahil sa pagiging matatag nito sa gitna ng lahat. Walong taong nagsama sina Ness at Dolphy bago pumasok sa buhay ng Comedy King si Zsa Zsa noong 1989, na tu-magal ng 23 years na pagsasama.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “LJ Reyes, nagbuyangyang ng dibdib sa pelikula!

  1. WALA NMANG MAWAWALA K LJ REYES KAHIT IPAKITA NYA MGA LAMOG NYANG SUSO SA TV. AT KAHIT IBUYANGYANG NYA PWERTA NYANG SABOG SA TV MAN. MAGAZINE OR PELIKULA HINDI NA RIN BIG DEAL YAN KC LASPAG NA CYA. BWAHAHAHAHAHAHAH

  2. SUWERTE NAMAN NINA JM DE GUZMAN AT YUNG ISANG BAGUHANG SEXY ACTOR SA MOVIE HEHE! NAKITA NILA ANG MALAKING MONAY NI LJ

Leave a Reply

Your email address will not be published.