LJ Reyes, ipinamulat na sa anak ang sitwasyon nila ni Paulo Avelino

LJ-ReyesSA HANDOG ng Christmas party cum thanksgiving ng PPL para sa press, naka-usap namin si LJ Reyes na bukas na ngayong pag-usapan ang tungkol sa kinauwian ng relasyon nila ng ex na si Paulo Avelino.

Ayon kay LJ, ngayon lang siya naging open na pag-usapan ito dahil ngayon lang siya naging kumportable para pag-usapan ang tungkol dito. Ayaw naman niya na tuwing makikipag-usap siya ay humahagulgol siya o kung hindi naman ay one-sided na hindi niya masasagot nang tama ang mga itatanong sa kanya.

Hanggang sa ngayon, ayaw pa ring sabihin ang tunay na rason ng break-up nila ni Paulo dahil baka ‘pag nagsalita siya ay madagdagan o mabawasan. Bukod pa sa ayaw niyang makapagbitaw ng hindi magagandang salita tungkol sa ama ng anak.

Sa tanong namin kung may galit o sama ng loob pa ba siya kay Paulo sa nangyari sa kanila, kung sa napatawad ay napatawad na niya ito. Wala na rin siyang sama ng loob o galit, pero hindi ganu’n kadali na kalimutan para sa kanya ang nangyari lalo’t sa mga karanasang ito ay natututo tayo.

Wala rin silang pinag-usapang visitation rights ni Aki dahil malaya naman ang aktor na dalawin o hiramin ang anak anumang oras na gustuhin nito. Klinaro rin ni LJ na wala siyang problema pagdating sa sustento ni Paulo dahil nagbibigay naman ito at hindi nagkukulang.

Ngayong nail-link si Paulo kay KC Concepcion kung saan inamin ng aktor na lumalabas siya kasama si KC Concepcion, para kay LJ kahit babae ay magkakagusto sa isang tulad ni KC dahil bukod sa maganda ito ay kita naman na may pinag-aralan. Kalmante ring siniguro ni LJ na kung magkakagustuhan o magkakatuluyan ang dalawa sa hinaharap ay magiging masaya siya para sa ex.

Sa murang edad ni Aki ay binuksan na pala niya sa anak ang tunay na sitwasyon nila ni Paulo, hindi pa naiintindihan ng anak ang totoong nangyari, kung gaano kalaki ang epekto nito pero ayaw niyang magsinungaling sa anak hangga’t maaari.

Sa ngayon, hindi pa handang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon, sa mga masasakit na pinagdaanan ay naging mas maingat na ngayon si LJ sa bagong taong papapasukin sa buhay lalo’t bukod sa ingat na masaktan uli, iniisip niya ang mararamdaman ng anak kung saka-sakaling mapalapit ang loob nito sa susunod na magiging boyfriend ‘pag naging ‘di rin matagumapy ang career nila.

 

GUSTO NAMING pasalamatan si Kuya Perry Lansigan, ang buong staff ng PPL at ang lahat ng mga artista na nasa ilalim ng nasabing talent management mula kay Dingdong Dantes, Geoff at Gabby Eigenmann, Jolina Magdangal, mag-boyfriend na Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Angelika dela Cruz, Max Collins, Wendell Ramos, at marami pang iba.

Aminado naman si Kuya Perry na sa pinsala ng bagyong Yolanda ay pinag-isipan nilang mabuti kung itutuloy pa ba ang nasabing Christmas party para sa press para itulong na lang nila sa mga naging biktima ng nasabing kalamidad. Sa huli, napagdesisyunan nila na ituloy pa rin ito dahil isang beses lang naman sa isang taon sila nakababalik ng pasasalamat sa mga press people na nakatutulong sa kanila, pero gawin na lamang itong simple at may magandang layunin.

Sa pakimkim  na binigay nila sa bawat press ay binawasan nila ng P100, kung saan idadagdag ito para sa pagpapagawa ng classroom sa isang eskuwelahan sa Estancia, Iloilo na nasira talaga ng bagyo. Nakakatuwa na maging parte ng isang proyekto na ang layunin ay makatulong para sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong Yolanda at napakaganda ng naisip na ito ng grupo ng PPL.

Muli ang aming pasasalamat sa lahat ng bumubo ng PPL lalo na kay Kuya Perry na hindi talaga nakalilimot sa mga taong tumutulong sa kanila at kung gaano ba ang importansya ng media sa buhay ng mga artista.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.