LJ Reyes, ‘di na magugulat kung maugnay sa bading si Paulo Avelino

AYAW KUMPIRMAHIN ni LJ Reyes kung talagang totoo ang napapabalitang tuluyan na silang nagkalabuan ni Paulo Avelino, na ama ng kanyang three year old son. Sasagutin daw niya ang isyung ito in due time.

Marami ang tila naka’y LJ ang simpatiya. Ito’y dahil sa obserbasyon din ng iba na parang ipinagpalit silang mag-ina ng aktor sa opportunity na mapaangat ang career nito.

“Hindi naman po ako naghahanap ng simpatiya. Siyempre ayoko rin naman po na… parang sumama naman ang tingin do’n sa isa,” si Paulo ang tinutukoy niya. “Pero ano… ang sa akin lang po, basta ‘pag dumating ang panahon na nagsalita kami, ganyan… ang hinihingi ko lang po ay understanding. Not just para sa akin. Pero para rin po sa kanya.”

Pero magsasalita ba naman si Paulo. Ang isang naipintas nga ng marami sa aktor, ‘yong ayaw nitong matanong tungkol kay LJ at maging sa anak nila.

May ibang mga binatang ama rin naman sa showbiz pero hindi naman umiiwas na mausisa tungkol sa kanilang anak. Proud pa nga ang mga ito sa pagiging ama ng anak nila.

Bakit daw si Paulo, hindi mapanindigan na tatay na rin siya? Alam naman ng lahat na nagkaanak sila ni LJ. Tingin ba raw nito ay kasiraan sa career niya ang bata?

Hindi ba nasasaktan si LJ bilang ina na hindi kayang maging proud ni Paolo sa anak nila?

“Well, uhm… alam n’yo na po ‘yong sagot diyan!” nangiting reaksiyon na lang ng aktres. “Pero ang sa akin lang po siguro, kaya ko na pong dalhin siguro ‘yong mga bagay-bagay. Kaya kong magdala ng problema. At kaya ko pong ihiwalay ‘yong personal na buhay ko at ‘yong sa trabaho ko.”

May communication pa ba sila ni Paulo? “Meron.”

Friends ba ang turingan nila sa ngayon? “Ah, may responsibilidad kami pareho sa anak namin. Kaya talagang nag-uusap kami.”

Si Paulo ba, nagagampanan nang maayos ang pagiging ama nito sa kanilang anak? Regular din ba itong nagbibigay ng sustento? “Ayoko muna pong magsalita tungkol diyan. Kasi, ‘pag dumating na lang po ‘yong oras na nagsalita ako tungkol sa topic na ‘yan, lilinawin ko po lahat.”

May takot din ba siyang nararamdaman kaya ayaw pa niyang magsalita? “Hindi naman. Basta… in due time. I mean, I don’t think na ang isang bagay o problema mo… mapi-pinpoint mo sa iisang dahilan. At saka bago ako magsalita, kailangan nagkausap din kami. Darating din ‘yong time na iyon. Ang hinihingi ko lang sa lahat eh, bigyan ako ng panahon. Kasi, magsasalita din ako kapag maayos na ang lahat. Kasi kapag magulo ‘yong mga bagay-bagay at nagsalita ka, maraming side comments. At may mga ibang makikialam. Mas lalong gugulo.”

Hanggang kailan naman magiging sarado ang pinto niya para sa bagong pag-ibig? Isn’t it time na mag-entertain na rin siya ng suitors?

“Wala muna po talaga!” natawang sabi na lang ni LJ.

Paano kung si Paulo, mabalitaan niyang may iba na? Will she get hurt kapag may naging bago na itong karelasyon?

“Kayo talaga!” napahalakhak na reaksiyon niya. “Uhm… hindi ko po alam, eh. Hindi ko po masabi. Tingnan natin. Kapag meron na, tanungin n’yo ako ulit.”

What if sa isang gay ma-link si Paulo? Nangyayari kasi na ‘yong ibang aktor, lalo kapag gumaganda na ang takbo ng career, napagdududahan na baka may maimpluwensiyang bading na karelasyon ito.

“Feeling ko naman, normal na sa panahon ngayon na may nali-link sa isang gay. Na hindi na talaga kagulat-gulat iyon.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

20 thoughts on “LJ Reyes, ‘di na magugulat kung maugnay sa bading si Paulo Avelino

  1. Tuloy pa rin pala ang panggagamit kay Paulo para sa publicity slant para kay LJ. Kahit mag-delubyo kayo ng press releases para iangat ang career(?) ni LJ, waley na talaga, Forever starlet na yang si LJ. Very generic kasi ang mukha at walang X factor. Wala ngang naidulot yung pagpapaseksi niya sa FHM kaya balik sa panggagamit kay Paulo. Ihanay na siya kina Ryza Cenon at Chynna Orteleza ba yun, mga forever starlets ng Kamuning.

    • bobita ka teh? pag ba nagbanggit ng TT bakla na agad? hindi bva pwedeng babaeng malibog lang?!?! tonta!

      • MAS LALO KANG TONTA…BAKIT KAMO, KUNG MATINO KANG BABAE, DI MO IPAPANGALANDAKAN ANG KALIBUGAN MO AT SASARILININ MO NA LANG. PAGHAHALATA ANG UBER BOBITA. GAGAH!

      • ikaw ang mas bobita! May mga babae talaga na proud sa kalibugan nila! lol saka may mga babae na proud na proud na marami na silang nakasex noh! TONTA!

      • nyahahahah ay may kilala ako niyan,,taga abs cbn,,,,kapangalan mo pa yung isa,,,yung isa naman Andi,,mga kapamilya,,,nyahahahha

      • ahaha! pahiya si sexiest Christine reyes daw…bwahahahahahahahahahahaha! Ang babaeng malibog…..ahahahha! toink!

      • Sinong pahiya?! ikaw na nagpalit lang ng username para sumang-ayon sa sinabi mo?!?! wahahahahahahaha! boba!

  2. TONG STARLET NA TO NG KAPUCHU GAMIT NA GAMIT SI PAOLO! PWEDE NAMAN NO COMMENT ISAGOT SA MNGA TANUNG PURO KATARANTADUHANG DENY AT PALIGOY LIGOY PA ANG ISINASAGOT NG STARLET NA TO! MASYADONG NAGPAPAKONTOBERSYAL TONG STARLET NA TO! KUNG HIWALAY EDI HIWALAY AS IF NAMAN ME CAREER NA PINOPROTEKTAHAN TONG STARLET NA TO! BAKA NGA MAS LALO PANG MAKAUNGOS SI PAOLO SA CAREER NYA PAG INAMIN NA NITONG HIWALAY NA SILA NO! KUNG TUTUUSIN PABIGAT AT BAGGAGE LANG SYA SA PAGSIKAT LALO NI PAOLO! PAG MGA TAGA KAMUNING STARLET TALAGA MGA BASURANG NAGSUSUMIKSIK NA STARLET! PWE!

    • nyahahahhaha, ganoon talaga,,,,utos ni Deo,,,,bakit naman sa mga Kapamilya talents,,,deny ng deny din,,,,oh aaahh,,,,,bakit ayaw pang umamin ng mga Bakla sina Piolo, Xian, Enchong,,,,nyahahahah…sample pa lang yan,,,marami pa silang Berdegana diyan,,,,bakit nag de deny pa sina na hindi nagpa retoke sina Kim Chui,,,at iba pang starlet diyan sa abs cbn,,,nyahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.