LJ Reyes, ‘di itinangging hiwalay na sila ni Paulo Avelino!

SAFE NAMAN ‘yung mga sinabi ni Gretchen Barretto sa The Buzz nu’ng nakaraang Linggo.

Sinabi lang niya na nasaktan siya nang husto sa nangyari. Alam daw ng anak niyang si Dominique na hindi siya ang nang-aaway, kaya nandiyan daw ang anak niyang nagtatanggol sa kanya.

Kunsabagay, mahirap naman talaga kung may pasabog pa si Gretchen at lalo pa niyang palakihin ang gulo ng pamilya.

Mabuti na ‘yung tahimik na lang siya, dahil si Mommy Inday ay tahimik na rin at hindi na raw siya magsasalita pagkatapos niyang magbigay ng statement kay Ricky Lo na lumabas sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Tama na siguro ‘yun at hayaan na lang mamatay ang isyu. Tahimik na rin ang buong pamilya, pero ewan ko lang kung magkakaayos pa dahil baka umabot na raw sa demandahan ang gulong ito.

Tingnan na lang natin ‘yan!

Ang isa pang pinagpiyestahan naman sa internet nu’ng kamakalawa lang ay ang kumalat na litrato ni Marjorie Barretto na napakahalay tingnan.

Bastos ang lumabas na litrato na parang ayokong maniwalang siya ‘yun.

Sinagot na rin naman ni Marjorie sa PEP, at itinanggi niya ito.

Papaimbestigahan daw nila sa NBI ang litratong ‘yun, para malaman kung sino raw ang gumawa ng litratong ‘yun at nagkalat.

Parang hindi na maganda kasi na may mga ganu’n pang paninira, kaya huwag na huwag na lang tayo basta maniwala sa mga ganu’ng paninira.

Matagal pa naman ang Sabado, abangan na lang natin at baka merong makumbinsi si Ricky na magsalita sa Startalk. Abangan n’yo ‘yan!

 

NAKAUSAP PALA ng isang researcher namin sa Startalk si LJ Reyes para kumpirmahin kung totoo ang balitang hiwalay na talaga sila ni Paulo Avelino.

Kararating lang kasi ni LJ galing sa ilang linggong bakasyon sa Amerika, kaya napagdudahan tuloy na baka nga totoo, kasi umalis muna ito para magpalipas pagkatapos ng hiwalayan.

Nu’ng nakausap ng taga-Startalk si LJ, hindi ito sumagot. Tawa lang daw ito nang tawa.

Sabi lang niya, lagi naman daw siyang nagbabakasyon sa Amerika. Hindi ibig sabihin eh, naghiwalay na.

Pero nang tinanong ito uli kung totoo ba, hindi ito sumagot. Tawa lang daw nang tawa.

Kaya baka nga totoo at ayaw lang muna niyang magkomento.

Sabi lang niya, mabu-ting si Paulo na lang daw ang tanungin.

Matatanong ba si Paulo, eh mahigpit siyang binabantayan para ‘di matanong ‘yan!

Kunsabagay, mukhang doon naman talaga mapupunta ‘yan. Mabuti na lang at maganda naman ang career ni LJ, at nandiyan ang baby nila.

Pero naalala ko na nagbakasyon pa raw rito sa Maynila ang pamilya ni Paulo, kay LJ raw sila lahat tumira.

Kasi ‘di ba, nakikitira lang naman noon si Paulo kay LJ?

Ewan ko lang kung magsasalita ‘yang si LJ.

Abangan n’yo rin ‘yan sa Startalk!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “LJ Reyes, ‘di itinangging hiwalay na sila ni Paulo Avelino!

  1. DYUSKO AKALA MO NAMAN TONG SI LOLIT NAPAKA-SIKAT NI LJ REYES… MAS SIKAT PA RIN SA KANYA SI PAULO AT LEAST SI PAULO MAY MGA ACTING AWARD NA AT MAY HIT TELESERYE EH SI LJ? HAHAHA! SA DALAWA MAS LAOS PA RIN SI BABAE HAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.