LJ Moreno, reconciles with PBA player ex-boyfriend

HUMABOL NA LANG si LJ Moreno sa kasal ng tiyahin niyang si Alma Moreno kay marawi Mayor Salic sa Cebu. Nag-show pa raw kasi siya sa Bohol bago dumiretso sa Cebu. Na-miss niya ang mismong wedding ceremony, kaya hindi siya sure kung isang Muslim o Christian ba ang naganap na kasalan. Pero nakaabot pa rin naman daw siya sa reception.

May balita na pinatahian na rin daw ng gown ang pinsan ni LJ na si Kristel Moreno para sa magaganapan na grand parade ni Alma bilang bagong misis ni Mayor Salic sa mga constituents niya sa Marawi City at pagpapakilala sa unang misis nito.

Hindi naman daw ito alam ni LJ at wala namang nagsasabi sa kanya na magpapatahi sila ng gown para roon. Pero aware siya na may ganu’ng balita sa kanyang Auntie Ness. Kasabay nito, nagbigay ng mensahe si LJ sa kanyang Auntie Ness sa muli nitong pagpapakasal.

“I’m very happy, kasi nakita kong sobrang happy rin siya. At nakita ko na sobrang mabait si Uncle. So, ‘yun nga, Uncle. Uncle Mayor, actually. Ah, but ‘yun nga, I wish them luck and I really, really hope na this is it na talaga,” pahayag ni LJ na kamakailan lang, sumailalim sa isang non-invasive liposuction kay Dr. Jancen.

Tinanong namin si LJ kung totoo bang tatakbong Mayor ng Parañaque ang kanyang Auntie Ness sa 2010 elections na susuportahan naman daw ng bago niyang Uncle Mayor.

“I think hindi pa final ‘yun. Pero if she does, I’ll always support. House-to-house, nandu’n tayo sa kampanya,” lahad ni LJ.

Anyway, happy rin ang personal life ni LJ dahil nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niya at baskebtolistang si Jimmy Alapag.

“One year and three months to be exact nu’ng maghiwalay kami. Nagkita kami sa wedding ni Sarah Mayer, which is supposed to be that day, our 5th anniversary kung hindi kami naghiwalay,” nakangiting sabi ni LJ.

Kahit nagbalikan na sila, hindi pa naman daw sila nagpa-planong magpakasal na kahit sinasabi raw ng halos lahat na they get married na. They are taking it slow as of this moment, ayon pa kay LJ.

“I AM A singer,” deklarasyon ni Gretchen Barretto sa paglabas ng bago at pangalawa niyang album mula sa Star Records, ang Complicated. “Because my life is complicated and my status is complicated kaya ‘Complicated’ ang title. ‘Di ba, obvious naman?”

By this time, busy na si Gretchen sa pagpo-promote ng kanyang album sa TV and mall tours. Ewan lang kung lilinawin ni Gretchen sa press launch ng kanyang bagong album ang nakapaloob sa dedication tungkol sa lalaking pakakasalan niya.

Haka-haka ng iba, hindi raw ang live-in partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco ang lalaking tinutukoy niya na pakakasalan kundi ang natsistismis din sa kanya na isang maimpluwensyang government official.

“I’d like to celebrate that my life is complicated, because I know that someday it won’t be. I know that I have something to look forward to and that’s a settled life, a more peaceful life,” sey ni La Greta sa isang interview.

Hindi na raw magiging complicated ang buhay niya kapag finally she says ‘I do’ with her groom to be.

Samantala, aabangan din namin kung sasagutin ni Gretchen ang tsismis na tulad ng kaibigan niyang si Pops Fernandez, nagpaayos din siya ng kanyang lips.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

2 thoughts on “LJ Moreno, reconciles with PBA player ex-boyfriend

  1. i think hindi na kailangan umamin si gretchen kung pinagawa nya lips nya,HELLO! mukha kayang nakagat ng bubuyog ano!bkit kasi pinabago pa,tuloy pumangit sya .and im sure d naman aamin sila, may inamin ba si pops,d ba wala rin,pero just look at their face totally nag iba talaga naging mukhang bisugo.sorry opinyon ko lang po,PEACE.

Leave a Reply

Your email address will not be published.