LJ Moreno at Jimmy Alapag: Sila pa Rin sa Bandang Huli

NAGPAKASAL NA ANG longtime couple na sina LJ Moreno at cager na si Jimmy Alapag sa Laguna Beach, California, USA. LJ and Jimmy tied the knot in a simple and private ceremony attended by their family and close friends. Kasama sa mga dumalo ang best friend niyang si Rufa Mae Quinto. Masayang-masaya si Peachy para kay LJ dahil teenager pa lang daw sila ay dream na nilang ikasal. She wished that LJ and Jimmy will have a baby soon because she wants to see LJ as a mom.

I always believe that if you are really meant to be together, kahit harangan pa kayo ng mga pana at sibat, kumidlat man o bumagyo, basta’t kayo talaga ang nakalaan para sa isa’t isa ay kayo pa rin sa bandang huli. Gaya ng ibang couples ay dumaan din sa isang matinding pagsubok ang pagsasama nina LJ at Jimmy. Makalipas ang mahigit isang taon after their breakup, they found their way to each other’s heart once again. Isn’t love much sweeter the second time around?

Paano ba naramdaman ni LJ na si Jimmy na nga ang “the one”? “It just seemed right. We’ve been together for such a long time then we broke up and we got back together. Parang ayun na, we both knew that it was really us. I’m glad that I waited this long. I know it’s right and it wasn’t a rush and I know it’s meant to be. (To Jimmy) Well Baby, I’m finally here. I’m gonna make our home a happy place to come in and I promise to be a great mom to our kids. I love you,” sabi ni LJ na eksklusibong na-interview ng The Buzz correspondent na si Monet Lu.

Sinabi naman ni Jimmy na he’s honored that all their loved ones were there to share that special day with them. “I think any relationship always has challenges and these make a relationship stronger.”

Nagpapasasalamat si LJ sa kanyang mga kaibigan at supporters dito sa Pilipinas. The newlyweds will continue their respective careers. “I hope you continue to pray for us to have a stronger relationship,” she said.

Best Wishes, LJ and Jimmy!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “LJ Moreno at Jimmy Alapag: Sila pa Rin sa Bandang Huli

Leave a Reply

Your email address will not be published.