LizQuen, umaming 2 years nang mag-on!

LizQuen with Direk Antoinette Jadaone

DAHIL sa lie detector test ng programang Gandang Gabi Vice ay napaamin sina Liza Soberano at Enrique Gil sa totoong status ng kanilang relasyon ngayon.

Sa tanong ni Vice  kay Enrique habang nakasalang ang kamay sa lie detector test kung sila na bang dalawa ni Liza ay napaisip muna si Enrique bago sumagot ng “Yes.”

Pahiwatig pa ng aktor, alam ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ang tungkol sa kanilang relasyon.

Nang sumalang naman si Liza sa lie detector test at tinanong siya ni Vice  kung matagal na ba silang magkasintahan ni Enrique, ang sagot ng dalaga ay, “Define matagal?”

Hanggang napaamin na rin siya ni Vice na dalawang taon na pala ang relasyon nila ni Enrique at October ang kanilang anniversary month.

Magandang timing naman ang ginawang pag-amin ng LizQuen about their relationship lalo na ngayong may pelikula silang ipapalabas sa Feb. 13, ang Alone/Together na mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Wish namin na kumita nang bonggang-bongga ang pelikula ng dalawa.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “LizQuen, umaming 2 years nang mag-on!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.