Liza Soberano, tumulong na nga sa fans ni Kathryn Bernardo, lumabas pang masama

 alt=

Kathryn Bernardo And Liza Soberano

Kathryn Bernardo And Liza Soberano

Grabe ring mag-isip ang fans ngayon, lalo na sa social media.

Usap-usapan kasi ang isang video na kuha sa pagtatanghal ng ASAP sa New York, kung saan tapos na ang show at paalis na ang mga performers na kinabibilangan nina Liza Soberano at Kathryn Bernardo at nagpapaalam na sila sa fans na nanood ng show.

Sa nasabing video, isang fan ang pilit na may na iniaabot gift bag na kinuha ni Liza at saka ibinigay kay Kathryn. Ang fans sa social media, kanya-kanya ng interpretasyon sa nabanggit na pangyayari.

May nagsasabing pakitang-tao lang daw ang ginawa ni Liza, at akala raw ni Liza, para sa kanya ang gift bag kaya niya inabot.

May nagsasabi pa na hindi dapat kinuha ni Liza ang gift bag na ‘yon na para kay Kathryn, dahil pa’no na lang daw kung bomba ang laman ng bag ang sumabog. Sobrang OA lang, ‘no? In the first place, nakabukas ang paper bag na kinalalagyan ng gift, at siguro naman, sa dami na ng insidente ng bombing sa New York, hindi basta-basta magpapakampante ang security sa venue para palusutin ang bag na iyon kung may kahina-hinalang laman.

Ang siste lang dito, sa pagmamagandang-loob ni Liza sa isang fan ni Kathryn, siya pa ngayon ang lumalabas na masama.

Napanood namin ang video. Kumakaway na nagpapaalam ang performers sa stage, nasa bandang harapan pa rin sina Liza at Enrique Gil at masayang nakaharap sa fans na kumakaway sa kanila, habang ang ilang performers, kabilang si Kathryn, nakatalikod at paaalis na sa stage.

May isang fan na nag-aabot nang pilit na may iniaabot gift bag. Nilapitan ito ni Liza at inabot ang nasabing bag. Kahit walang audible, mapapansin sa video na tinanong ni Liza kung para kanino ang gift at nang malaman niya, dinala niya ‘yon sa papaalis nang idol ng fan, si Kathryn nga. Na itinuro pa nga ni Liza kung saan ang lugar ng fan na nagbigay ng gift.

Tinignan ni Kathryn ang laman ng bag, kumaway at thumbs up sa lugar na itinuro ni Liza, sabay talikod at nagmamadali nang umalis sa stage.

Nakalulungkot na lumabas pang masama ang tumulong na si Liza. Samantalang si Kathryn, sigurado ba siya na ang kinawayan niya at binigyan ng thumbs up ay ang fan na nagbigay ng bag? Halos lahat kaya ng nasa harap ng stage na fans ay kumakaway. Ni hindi nga niya nilapitan saglit para magpasalamat nang personal dahil tumalikod na nga siya’t umalis na.

Sasabihin ng ibang fans d’yan, siyempre pagod na, intindihin na lang. Ahm… ano nga ba ang presyo ng pagiging sikat? Saan nga ba nanggagaling ang kasikatan?

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

9 thoughts on “Liza Soberano, tumulong na nga sa fans ni Kathryn Bernardo, lumabas pang masama

  1. Hoy kupal. Wala ka don sa asap.

    Ang nauna kumuda eh yung fans ng Liza mo.

    Tang ina mo at wala ka sa lugar.

    Pag nakita kita papakain ko tong basura mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.