Liza Soberano, nagsimula na ang training for Darna!

LIza Soberano

NAKA-ONLINE CHAT NAMIN ang kaibigang Ogie Diaz last Monday evening at naibalita niya sa amin na nagsimula nang mag-training ang alaga niya na si Liza Soberano para sa inaabangan na Darna film project ng dalaga na ididirek ni Erik Matti.

 
Sa online tsikahan namin, hindi nagbigay ng masyadong detalye si Ogie sa amin. “Nagsimula na siya mag-gym (workout),” na makakatulong ng malaki sa dalaga.
 
Ang alam ko mage-enroll din si Liza sa isang dance course para makatulong na maging graceful ang paglipad ng dalaga as Darna.
 
As of presstime, wala pa pa rin ina-announce kung sino ang gaganap sa markadong role as Valentina (ang babaeng ahas na Pinoy version ni Medusa); at ang kapatid ni Darna na si Ding.
 
 As Valentina, madaming nagsa-suggest sa social media na si Anne Curtis i-offer ang role (papayag naman kaya siya?) or kay Pia Wurtzbach.
 
Sa Darna series na bahagi ng aking kabataan,  I remember na may love interest si Narda  na ang name ng ordinaryong Darna na pag pingbaliktad mo ay ang pangalang Narda na kapag isinubo ang “magic bato” ang karakter ni Narda na  nakasaklay pa ay magiging Darna with her super powers. Para mas may kiliti ang pelikula, why not si Enrique Gil ang gumanap?
 

Bukod sa Darna, ang alam ko ay may bagong teleserye din ang dalaga sa Kapamilya network na ipapalabas soon. Wala pang impormasyon kung si Quen pa rin ang magiging leading man niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Liza Soberano, nagsimula na ang training for Darna!

  1. Salamat sa update sir RK. Kailan po siya start magshooting?
    Excited po kami kay Liza as Darna.

    Thank you,
    Jopet😊

Leave a Reply

Your email address will not be published.