Liza Soberano, kinasusuklaman ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Liza-Soberano Liza-SoberanoKAHIT AYAW pa ng mga fans ay wala na silang magagawa, dahil magpapaalam na sa ere in two weeks’ time ang Got To Believe. Juice ko, hindi nga din namin namalayan, naka-seven months na pala itong umeere, ‘no?

So, ang ibig lamang sabihin niyan ay gano’n ka-enjoy at kabaliw ang mga sumusubaybay ng seryeng ito na dinirek nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano. Tama naman ang rason ni Direk Cathy, “Gano’n lang po talaga kanipis ang kuwento, hindi na puwedeng pahabain.”

Dito rin nakilala sa seryeng ito sina Jon Lucas, Yves Flores, ang Mean Girls at si Liza Soberano.

 

“ANO ANG pinakamatinding sinabi sa iyo ng isang basher sa twitter?” tanong kay Liza Soberano.

“Ang sabi po, ‘mamatay ka na sana.’ Pero hindi ko na po ‘yon pinansin, kasi, naiintindihan ko naman, gano’n nila ka-love ang KathNiel, eh.”

At ang sabi namin kay Liza, ‘pag ni isa, walang nag-react sa presence niya sa show, ibig sabihin, wala siyang dating. Kaya inihanda na namin ang kalooban diyan ng aming alaga.

Natutuwa naman kami dito sa batang ito, dahil gustung-gusto siyang interbyuhin ng mga press, “Ibang klase ang alaga mo,” sabi nu’ng isang reporter, “Hindi pa showbiz at hindi pa nilalamon ng sistema.”

 

ALL’S WELL that ends well sa pagitan nina Karylle at Vice Ganda. Nakapag-usap na ang dalawa sa tulong ni Anne Curtis, kaya sa It’s Showtime ay nagagawa nang biruin ni Vice si Karylle.

At maging si Yael Yuzon ay humingi na rin ng paumanhin kay Vice. And that’s the right thing to do.

 

Gumagamit ng iligal na droga: Young actor, hinuli ng PDEA sa Clark

 

BLIND ITEM: Ilan na ang nakakuwentuhan namin na nag-confirm na “talagang gumagamit” ng ipinagbabawal na gamot ang isang young actor. Pero sino ba naman kami para husgahan ang bagets, lalo na at wala pa itong disiotso at ewan kung nasa pangangalaga ngayon ng DSWD o ng PDEA.

Hindi nga mabanggit ang pangalan nito, pero kalat na kalat na rin sa industriya ang nangyaring paghuli rito ng operatiba daw ng PDEA sa Clark.

Nakakalungkot, ‘no? Kaya ‘yan ang sinasabi namin sa mga kabataang nabigyan ng break sa showbiz na huwag sasayangin ang mga pagkakataong andami-daming gustong umagaw. Pero pinakakawalan nila sa pamamagitan ng pagpapabaya at pag-concentrate sa mga bisyong hindi dapat.

Sana nga, malampasan ito ng young actor na tawagin natin sa pangalang “Katy”.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “Liza Soberano, kinasusuklaman ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

  1. Kinasusuklaman?????? Hahahaha pwede ba nakakasuka nga siya kasi pilit sinasama sa kathniel sa G2B pabida din eh.. pacute magsalita sa presscon kairita lng hindi natural…saka kung maari lang wag naman gamitin KATHNIEL para sumikat/ pasikatin yang alaga mo ogie diaz!!!! Susme lumang tutugtugin na yan si Julia b. ginamit naman din si Daniel P. kesyo dumalaw as taping achuchu Hindi naman totoo! malapit sa place nya at kakilala nya kasi mga staffs kasamahan nya dati sa Growing Up… para mapagusapan lang tsk tsk hay naku! SaNa makahanap n lng ng ibang ipapartner yang alaga mo para may mapatunayan din naman Hindi yung sa iba sinisiksik yun lang naman……

  2. Kahit Ano pa sabihin ng iba dyan Hindi parin marunong umarte yang Liza na yan sa Got to believe ok napapaiyak siya pero pilit at ang pangit nya umiyak compared Kay Kath………..Pansin ko sa ABS CBN kung sino pa yung magagaling umarte like Jane oneiza for example hindi nabibigyan ng project nagagawa nga naman ng mga beking managers malakas ang kapit favoritism as its finest…..

  3. Nakakaloka mga comment dito susko……halatang iisa lang
    May gawa ng account para mambash Walang wala naman yang Liza soberano a.k.a mukang mangga nayan Kay KATHRYN excuse naman maganda lang mukha nya but in terms of acting waley paworkshop muna yan para tumuwid ang dila…………..KATH is way way better naman bobo at tanga lang Hindi makikita ang galing sa acting in Kath anyway when it comes to love team Hindi din Sila bagay pwede Kay enrique mas bagay sila……TEEN Queen and King lang bagay KATHNIEL Best loveteam Ever……..

  4. 4 me kung pghwalayin n ang kathniel gzto ko c liza ang maipartner nman kay DJ becuz they look good 2gether!!
    hihihi…,,

  5. ogie, abs should not pair liz with daniel because people started noticing that they look good together. kathryn looks so underdog compared with liz when it comes to team up with daniel. with their acting, kath should minimize her annoying “nganga and lunok” moment..i seldom watch but everytime i do, i cant miss her ‘nganga-lunok’ act in focus. sorry kath.. pls. minimize it. peace!

  6. im not a fan but the way i look at them, liza is far better than kathryn. daniel and liz look perfect together because of their mestiza/mestizo profile so i’d go for danliz. sophisticated pair.

Leave a Reply

Your email address will not be published.