Liza Soberano, idol ng mga batang artista

Liza Soberano and Star Magic Kids

Liza Soberano and Star Magic Kids

Idol ng mga kabataan si Liza Soberano. Maganda kasi. Agaw-pansin ang gandang hindi lang pang-Pilipinas, kundi pang-Hollywood na rin.

Super ganda naman kasi, kaya super like siya ng boys. Super idol naman siya ng mga dalagitang artista at gustong gayahin na balang araw, gusto nilang maging isang Liza Soberano.

Tulad ng Star Magic Kids (boys) na sina Raikko Matteo ng “Honesto”, Josh de Guzman of “We Will Survive”, Marco Masa of “Nathaniel”, and Marc Santiago, gusto nila ang beauty ni Liza.

Nang tanungin sila kung sino sa mga “ate” ang crush nila, si Liza ang sinasabi nila.

Maging ang little girls ng Star Magic na sina Janna Agoncillo ng “Ningning”, Ashley Sarmiento of “Flordeliza”, and Mitch Naco of Team Yey, ang dalagang ka-love team ni Enrique Gil ang gusto nilang ‘maging’ pagdating ng panahon.

Say nga ni Janna, “Ang ganda po kasi ni Ate Liza. Lalo pa po kapag naka-smile siya, ang ganda po niyang tingnan.”

Ang mga nabanggit na Star Magic Kids ang bagong celebrity endorsers ng kids clothing line na Moose Gear para sa kanilang 2016 Holiday Collection, kung saan makabibilang na rin sila sa hanay nina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Bugoy Cariño, at Harvey Bautista sa mga naging endorser ng kompanya.

Dating endorsers din sina Billy Crawford, Patrick Garcia, at Angelica Panganiban.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Liza Soberano, idol ng mga batang artista

  1. huwag kang mag-alala Hindi ako Maniniwala silang Lahat..Idol Sana Makita-kita Kailangan Ko Yung Tulong Mo Po

    FROM:RYAN GARCIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.