Liza Soberano, aprub sa mommy ni Enrique Gil; kulang na lang na amining sila na nga

Liza Soberano & Enrique Gil

Liza Soberano & Enrique Gil

Ang haba ng hair ni Liza Soberano. Super!

Kung kadalasan, sa side ng babae nagmumula ang kumpirmasyon at pagsuporta sa mga lalaki na nali-link sa kanilang mga anak na dalaga, this time, ang ina ni Enrique Gil ay nagpahayag ng pagkagusto kay Liza Soberano, kung saan nali-link ang kanyang binatang anak (na ayaw pa ring aminin ng dalawa na sila na nga).

Yes, aprub sa ina ni Quen na si Mommy Bambi ang dalaga.

Sino ba naman ang aayaw na bukod sa ganda ng itsura ni Liza, maging ang kalooban niya ay napakaganda rin. Patunay lang na kung sakaling magkatuluyan man sina Liza at Quen, alam ni Mommy Bambi na hindi pababayaan ng dalaga ang kanyang binata.

Usually kasi, isa sa mga batayan ng mga nanay natin para malaman kung mabait talaga ang minamahal ng kanyang mga lalaking anak ay ang pagiging malapit nito sa kanilang mga magulang.

Sabi nga, when the girl takes care of their mom, asahan mo, mabait sila. Hindi ka magkaka-problema. Bukod sa no mother-in-law problem sa relasyon ni babae sa kanyang magiging future biyenan, asahan mo, maasikaso ito sa magiging ka-partner nila.

Kaya nga during taping breaks nina Liza at Quen para sa tumitinding mga eksena nila sa “Dolce Amore”, as expected, alagang-alaga nila ang isa’t isa. Palaging paalala ni Quen kay Liza kung gusto na nitong kumain, magpapabili siya ng pagkain para sa dalaga; at maging si Liza naman, palaging pinaaalalahanan ang binata na always to change his shirt kapag pawisan na ito para hindi magkasakit.

Sa obserbasyon ng mga production staff ng “Dolce Amore”, sitsit sa amin ng isang insider, kulang na lang daw ng admission na sila na ngang dalawa.

“Baka sila na nga. Wala lang labelling sa kung ano man meron sila. Kung titingnan mo sila off-camera, hindi mo ide-deny na ang gawi nila sa isa’t isa’t na maalaga ay sapat na batayan para sabihing sina Liza at Quen na talaga ang mag-on in real life at hindi lang pang showbiz,” kuwento sa amin ng isang kakilala.

Sa Wednesday naman ay hahatulan si Enrique Gil with his solo movie, “Dukot”, tungkol sa kidnapping (and ransom), kung saan makasasama niya sina Ricky Davao at Shaina Magdayao sa pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

One thought on “Liza Soberano, aprub sa mommy ni Enrique Gil; kulang na lang na amining sila na nga

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.