Liz Uy, pinagre-resign bilang stylist ni P-Noy?!

OLA CHIKKA! NAPAKASAYANG biyernes para sa lahat dahil ngayon ang ika-3 anibersaryo ng napaka-controversial na tabloid, ang walang katulad at nag-iisang larawan ng katotohanan. Pahintulutan n’yo po akong samantalahin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa ating mga kaparazzing walang humpay na sumusubaybay at nakiki-chikka sa amin, sa mga sponsors na walang sawang sumusuporta sa amin, sa pamilya Ong ng Century Chemical Corporation at Ka Rey Herrera at sa kanyang misis na si Sam ng REH Herbal Food Supplement, at siyempre sa mga kapwa-kolumnista ko, at sa napakabuting management ng ating nag-iisang pinag-uusapang dyaryo. Mabuhay ang Pinoy Parazzi!

KAHIT ANIBERSARYO NATIN ngayon, hindi pa rin makalalampas ang maiinit na chikka at matalas kong isip pagdating sa intriga ng mga chikka. Sa tuwing nakikita ko si Shalani sa telebisyon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang ating pangulong si Noynoy Aquino.

Minsan nang kumalat na ang dahilan daw ng hiwalayang Noynoy at Shalani ay walang iba kung hindi ang stylist ni P-Noy na si Liz Uy. Nanligaw raw diumano itong ating presidente, ngunit sa ‘di kagandahang resulta ay busted. Taray! Maging ang nakaupo pala sa pinakamataas na posisyon ay naba-busted din.

So matapos ang intrigang iyon, hindi na nawala ang usap-usapan tungkol dito sa dalawa lalo na at lagi silang magkasama, dahil nga stylist ni P-Noy itong si Liz. Kaya ngayon, may panibago na namang chikka na pinagre-resign na raw bilang stylist itong si Liz upang matapos na ang intriga sa kanilang dalawa.

Kung sa bagay, kahit anong dedma pa rin nila sa mga chismoso at chismosa, hindi pa rin sila nito titigilan. At kahit walang malisya sa kanila at talagang trabaho lamang walang personalan para kay Liz, mahirap ang situwasyon niya dahil sa isang presidenteng tulad ni P-Noy ang na-link sa kanya, kung saan lahat ng mata ay nakatutok sa bawat kilos nila.

Hanggang sa ngayon, wala pang reaksiyon tungkol dito ang stylist ngunit kung ako si Liz, dedma lamang sa isyu at pairalin ang professionalism. Ngunit ‘yun lang ay kung kaya pa niyang saluhin ang kaliwa’t kanang intrigang maibabato sa kanya sa mga susunod na kabanata. Exciting!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong female TV host na nuknukan ng pagkakati kaya sa sobrang pagka desperada ay maging pagbabayad sa lalaki ay pinasok na niya?!

Tama! Special service kung tawagin ang paraan ng kanyang pagpaparaos, kung saan ay tumatawag siya ng buger or bugaw kung tawagin. Ito namang joklang buger, nagdadala ng lalaki para sa desperadang TV host. Dahil sa sobrang pagkainis, chinikka nitong joklang buger na isang beses daw ay tinawagan siya ng TV host upang magdala ng parausan, kaya naman pinadala niya ang dalawang call boy na madalas mong matagpuan sa España, kung saan uso pa noon ang controversial na sinusurot ng sinehan sa sobrang luma at mga taong ginagawa iyong parausan.

Ang talent fee ng bawat isang lalaki ay P1,000 kung saan P700 lamang ang sa call boy habang P300 sa buger. At since dalawang lalaki ang inorder niya ay P2,000 ang bill niya, ngunit ang ibinayad lamang nitong TV host ay P1400. Na ibig sabihin, paysung lamang niya sa mga lalaki at wala roon ang bayad sa buger. Kaya ito galit na galit na niyang chinikka ang kahihiyan niyong desperadang TV host.

Naglabas na nga siya ng pera, nasira pa pangalan niya. Oh, ‘di ba bongga! At hindi lang iyon, maaaring may bonus pa siya dahil sa service na kinahuhumalingan niya ay hindi niya alam kung ano pa ang maaari niyang makuha maliban sa pansamantalang kaligayahan. Yuck! Baka sa susunod kong chikka sa inyo ay hindi na desperate female TV host kung hindii INFECTED FEMALE TV HOST na! Tsk, tsk, tsk… ingat ka kapatid! Paak!Naglabas na nga siya ng pera, nasira pa pangalan niya. Oh, ‘di ba bongga! At hindi lang iyon, maaaring may bonus pa siya dahil sa service na kinahuhumalingan niya ay hindi niya alam kung ano pa ang maaari niyang makuha maliban sa pansamantalang kaligayahan. Yuck! Baka sa susunod kong chikka sa inyo ay hindi na desperate female TV host kung hindii INFECTED FEMALE TV HOST na! Tsk, tsk, tsk… ingat ka kapatid! Paak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAsawa, nakasagasa’t nakapatay Sunshine Dizon, sobrang na-trauma!
Next articleAlodia Gosiengfiao, Reyna ng Cosplay

No posts to display