Liz Uy, nililigawan ni Kean Cipriano?!

HALOS MAPUNO ang Aliw Theater ng mga Calla-lily fans noong November 26, sa kauna-unahang big concert ni Kean Cipriano na may titulong ‘One Stage, One Night BBS (Big Band Syndrome) featuring Kean Cipriano Live in Concert’.

Maaga pa lang, dagsa na ang pila sa labas ng venue at karamihan sa kanila ay may mga suot-suot pang T-shirt na may nakasulat na ‘Callalista’.

May mga nanood ding celebrities sa concert tulad nina former Senator Migz Zubiri, Direk Wenn Deramas, DJ Durano, Empoy Marquez, JC Parker, Lauren Uy, Frank Magalona at Liz Uy.

Pagkatapos ng concert, hinabol namin si Liz dahil nagmamadali itong lumabas ng venue. Napapabalita kasing nililigawan daw ng rocker ang celebrity stylist.

Malugod namang nagpaunlak ng maiksing interview si Liz. Una naming inusisa kung nag-enjoy ba siya sa concert. Sagot niya sa amin, “Masaya, oo nag-enjoy ako. Ngayon ko lang siya nakitang mag-perform.”

Dagdag pa niya, “Oo na-appreciate ko kasi andami naman niyang kinanta na alam ko. Maraming kanta na nakakanta ko rin.”

Dumako naman kami sa isyung ligawan nilang dalawa. May mga bali-balita kasi noon na diumano ay niligawan ni Kean si Liz.

Sagot ni Liz, “Hindi ko alam, siya ang tanungin n’yo. Friends lang naman kami talaga.”

Dagdag pa niya, “Ay ewan ko, tanungin n’yo siya kung nililigawan niya ba ako, kasi hindi ko masasagot ‘yan.”

Pero kung ligawan ba siya ni Kean ay may-pag asa ba ito? Sagot nito, “Ay ‘pag nanligaw na (lang) saka ko sasabihin,” sabay pakawala ng halakhak.

Naging friends daw sila ni Kean dahil kay Vice Ganda. Hayag naman kasi ang magandang pagkakaibigan nina Vice Ganda at Kean.

Pero sa isang interview noon ni Kean, sinabi nitong hindi darating sa puntong liligawan niya si Liz dahil ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Tugon naman ni Liz dito, “Tama para ayaw n’yang masira (ang pagkakaibigan), tigilan na natin ‘yang mga tsismis na ‘yan. Echos lang, friends lang talaga kami, wala naman (ligawan).”

Nagpaabot naman ng mensahe si Liz kay Kean dahil sa matagumpay na konsiyerto nito. Aniya, “Congratulations sa napaka-successful na concert and sana marami pang dumating and I wish him all the best. Sa career niya at sa acting and all of us are just here to support him.”

 

TANONG LANG. May nakapagbulong sa amin na dyowa raw ngayon ni Rhian Ramos si Jeric Lacson na anak ni Senator Panfilo Lacson? Tanong pa rin. Pumasok kaya si Jeric nang wala na sina Rhian at Mo Twister? Tanong lang din. Isa ba si Jeric sa pinagseselosan ni Mo?

Ang lahat ng ito ay TANONG LANG!

 

NAKAKATUWANG KAHIT busy pareho sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nakuha pa rin nilang bigyan ng oras ang isang charitable event tulad ng ‘Million Volunteer Run’ ng Red Cross na ginanap noong Linggo, December 4, sa may kahabaan ng Roxas Boulevard. Halos may 400,000 na iba pang volunteers mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang nagsitakbo din sa fun run na ito.

Napansin lang namin, hindi magkamayaw ang mga tao nang dumating na ang magkasintahan dahil inabot ng halos sampung minuto ang pakikipagbuno ng mga security pati na ng mga marshalls para lang makatawid sina Dong at Yan mula sa kanilang sasakyan hanggang sa mini-stage kung saan nakaantabay na sina Mother Lily Monteverde, Vice President Jejomar Binay at iba pang celebs na nakilahok.

All in all, matagumpay ang nasabing event ng Red Cross.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

2 thoughts on “Liz Uy, nililigawan ni Kean Cipriano?!

  1. Si Liz ay yong ka live-in partner ni John Lloyd for 5 years (this is base on her interview with Bianca Gonzales when she admitted she was living in with JLC for many years). Kaibigan ni Liz si Ruffa, Georgina Wilson, Solen Heuseff, Anne Curtis, go figure………………. Super liberated women at their best!!!!! At si Kean naman rakista. May blind item noon na pumatol daw ang isang rakista kay Vice Ganda at ang karamihan yata sa sagot ng mga pepsters ay si Kean daw yon.