Livelihood Training Center, Itatayo sa Navotas

PARA MATUGUNAN ang kahirapan sa hanapbuhay ng mamamayang taga-lungsod, itatayo ang Livelihood Training Center, isang public-private partnership project sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas at Seoul International Friendship Organization (SIFO).

Ito ay isang two-storey building na nasa 400 sq./m. lot ng lokal na pamahalaan kung saan libreng makapagsasanay ang mga residente sa ilalim ng mga livelihood training programs tulad ng baking, cooking, sewing at computer skills.

Napili ng SIFO ang nasabing lugar sa Phase II, Area I, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) matapos silang bumisita roon noong nakaraang taon.

Ilan pa sa mga organisasyong nasa ilalim ng SIFO na tumulong din upang masulong ang proyekto ay ang Korea International Corporation Agency, Hanbi Global (Walk Together Welfare Organization) at Jane Tour & DMC.

Isa ang kabuhayan sa 5 prayoridad na programa ni Mayor Tiangco kasama ng kalusugan, edukasyon, kapayapaan at kaayusan, pabahay at rekreasyon.

Ani ni Mayor Tiangco, “Inaasahan sa programang ito na mas mahihikayat ang mga residente na dagdagan ang kanilang kaaalaman at skills na magagamit nila sa paghahanap ng trabaho.”

“Malaki ang maitutulong nito upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat Navoteño,” dagdag pa ng punong lungsod.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.