Live-in partner ni Bistek, ipinaubaya sa karma ang lahat

Herbert-Bautista-Tates-GanaDAHIL SA ginawang pag-amin ni Kris Aquino sa relasyon nila ngayon ni Q.C. Mayor Herbert Bautista, inaabangan ngayon ng lahat ang magiging statement ni Tates Gana ang live-in partner ni Mayor for many years. Hindi pa rin kasi malinaw sa lahat kung naghiwalay na ba sila bago pa nagkaroon ng relasyon si Bistek may Kristeta.

Karamihan kasi ng nakakausap namin ay iisa ang sinasabi. Masakit daw para kay Tates na mahabang panahon din ang hinintay kung pakakasalan ba siya ni Mayor, not to mention the fact na may dalawa silang anak.

Finally, kamakalawa ay may post si Tates na isang quotation. It read: “There’s no need for revenge. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves and, if you’re lucky, God will let you watch.”

Sa caption naman ay may nakalagay na: “So don’t waste your time.”

Makahulugan ang post ni Tates at tila sumasalamin sa kanyang nararamdaman.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Live-in partner ni Bistek, ipinaubaya sa karma ang lahat

  1. kadiri tong si bistek! for political career pinatulan si kris habang sila pa ni tates!!! gross!!! at eto naman home wrecker na malanding kris na to ipinamamalaki at pinangangalandakan pa ang pagkaimoral nila ni bistek at paninira nya ng isang pamilya!!!!! the nerve nito ni kris walang ka hiya hiya!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.