Live-In Partners, Kritikal sa Saksak ng 3 Anak ng Landlady

KAPWA SUGATAN ang mag-live-in partner matapos na saksakin ng tatlong anak ng may-ari ng inuupahan nilang kuwarto sa Malabon City kamakailan.

Nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng saksak sa kaliwang braso si Marilyn Florencio, habang sa ulo naman ang sugat ni Luisito Fernandez, kapwa nasa hustong gulang ng East River Side, Potrero ng lungsod.

Naaresto naman ang mag-uutol na Ace Jems Fernandez, 28; Allen Jay, 33; at Aries Jake, 29, mga anak ng kasera ng mga biktima ng naturang lugar.

Base sa report ng Malabon City, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi nang pinuntuhan ng mga suspek  ang inuupahang silid ng mga biktima upang singilin sa renta.

Walang naibigay ang mga biktima hanggang sa magkaroon ng pagtatalo at pinagtulungan bugbugin ng mag-uutol si Fernandez hanggang sa magbunot ng patalim ang isa sa mga suspek at undayan ng saksak ang mga mag-live-in.

Samantala, dinala ang mga biktima sa nasabing pagamutan habang dina-kip ng mga awtoridad ang magkakapatid.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.