Live-in partner, minartilyo habang natutulog

NAGTAMO NG sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang live-in partner sa Brgy. Carusiquis, Pasuquin, Ilocos Norte matapos pagpupukpukin ng martilyo.

Kinilala ni S/Insp. Joseph Baltazar, chief of police ng PNP Pasuquin ang mga biktima na sina Henry Calaycang, 22; at Ednalyn Buelta, 33, parehong residente ng nasabing barangay; at ang salarin na si Juanito Buelta, asawa ni Ednalyn.

Base sa ulat ng mga awtoridad, nangyari ang insidente habang mahimbing na natutulog ang mga biktima.

Sinasabing bigla na lamang silang pinukpok ni Buelta ng martilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan lalo na ang ulo ni Calaycang.

Samantala, ang nasabing suspek ay may warrant of arrest na dahil sa pagkakasangkot niya sa pagkamatay ng dating karelasyon ng kanyang asawang si Ednalyn na sa ngayon naman ay kasalukuyang kinakasama ni Calaycang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.