Live-In Partner, Ibinugaw ang 5 Anak

NAHAHARAP SA kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act ang mag-live-in matapos na ibugaw umano ang kanilang limang mga anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Ibabao, Cordova, Cebu.

Base sa bisa ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 11 Judge Ramon Daomilas Jr., pinasok ng Regional Anti-Human Trafficking Task Force (RATFF) ang naturang bahay kung saan nakita ang hubo’t hubad na tatlong taong gulang na bata at mga kapatid nito na nakasuot ng underwear na may edad na anim, pito, 10 at 11-anyos.

Ang ina ng mga biktima ay isang 31-anyos at kasalukuyang buntis sa ika-anim na anak habang isang traysikad driver naman ang karelasyon nito.

Inamin ng ina na ang pagkakaugnay sa cyberpornography ay upang matustusan daw ang kanyang panganganak ngunit pinabulaanan nito ang paggamit sa mga anak sa pambubugaw.

Nakuha ng mga kinauukulan ang isang computer at video camera na pinaniniwalaang ginamit sa naturang gawain.

Kasama ng RATFF personnel ang mga kinatawan ng Cordova Police Station, International Justice Mission, Department of Social Welfare and Development, Department of Justice at United States Department of Homeland Security sa isinagawang operasyon.

Samantala, umabot na sa 124 katao ang naitatalang biktima ng human trafficking sa Central Visayas simula noong Enero hanggang Agosto nitong taon kung saan base sa datos ng DSWD ay kadalasan sa mga biktima ay mga menor-de-edad at mga babae.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.