Live-in partner, arestado sa pambubugaw

KALABOSO ANG mag-live in sa San Jose City, Nueva Ecija matapos mahuling nambubugaw ng mga menor de edad sa mga kliyenteng kalalakihan sa lungsod.

Kinilala ni Senior Inspector Willy Gorospe, deputy chief of police ng San Jose Police ang mga salarin na sina Princess Collado, 28-anyos, at ang live-in partner nitong si Mark Ryan dela Cruz, kapwa residente ng Barangay Crisanto Sanchez.

Base sa ulat, nasagip ng mga kinauukulan ang isang menor de edad na babae matapos kumagat sa isang entrapment operation ang mga suspek kung saan ibi-nugaw pa nito ang isang babaeng pulis na nagpanggap na prostitute.

Arestado ang dalawa habang nasa aktong tumatanggap ng mark money sa isang asset ding pulis sa isang motel sa nasabing lungsod.

Samantala, nakapiit na sa San Jose Police Station ang mag-live in na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Human Trafficking Law.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.