Little Star, tipidserye ng GMA-7?

Pinag-uusapan ngayon sa internet ang diumano’y ‘pagtitipid’ ng GMA-7 sa pag-promote ng afternoon series na Little Star, na pinagbibidahan pa naman nina Jennylyn Mercado, Mark Anthony Fernandez at Lovi Poe. Marami ang nadismaya sa mga teaser trailers na lumabas at ang iba pa ngang fans ng tatlo ay nabigla na lang na may existing show na pala ang tatlo. Dapat ay matutunan din ng Kapuso network na alagaan ang mga homegrown talents nila lalo na sina Jennylyn at Lovi, na hindi lang ganda ang panlaban. May acting talent din silang karapat-dapat na ipagyabang!

ANNABELLE RAMA, MAY HINAING DIN KAY MIRIAM QUIAMBAO!

Hindi lang pala kay Heart Evangelista may issue ngayon si Annabelle Rama. Kahit ang beauty queen-turned-TV host na si Miriam Quiambao ay hindi pinalagpas ni Bisaya. Bigla kasing nabulgar sa isang presscon ang dapat ay ‘private exchange of text messages’ ng manager at talent. Ibinulgar ni Annabelle sa press na naiirita na siya sa pangungulit ni Miriam sa kanya tungkol sa mga raket at kung ano ang plano nito sa kanyang showbiz career. Imbes na replyan ang alaga, mas pinili pa ni Annabelle na isapubliko ang kanyang mga hinaing. Marami ngayon ang nagtataas ng kilay sa bagong isyung kinasasangkutan ng nanay ni Ruffa Gutierrez.

AUBREY MILES AT MICHELLE MADRIGAL, NAGKAKAINITAN SA TWITTER!

Naging kontrobersiyal ang pagkakatanggal ni Jon Hall sa Survivor Philippines noong nakaraang Biyernes. Ipinasa nito ang immunity bracelet sa girlfriend na si Michelle Madrigal para ang dalaga ang magtuloy ng labang sinimulan. Para kay Jon, pine-personal sila ng ex-girlfriend niyang si Aubrey Miles kaya pinag-iinitan silang dalawa. Sa Twitter naman ay todo-explain si Aubrey Miles patungkol sa kanyang game strategy. Noong umpisa pa lang, hindi na kampante si Jon Hall na makasama muli ang ex-girlfriend sa nasabing programa. Happily married ngayon si Aubrey Miles kay Troy Montero.

JAKE CUENCA, BIDA SA ‘TULAK’!

Pinasok na ni Jake Cuenca ang mundo ng indie films. Siya ang bida sa pelikulang Tulak, na nakatakdang ipalabas sa World Aids Day sa Disyembre. Kuwento ito ng isang lalaking nalulong sa ipinagbabawal na gamot at kalauna’y mapag-uusapan dito ang AIDS. Marami ang nagsasabing bigay na bigay sa akting ang aktor sa pelikulang ito at mukhang dito siya malilinya sa mga susunod niyang movie projects. Mas trip diumano ng Kapamilya actor na gumawa ng iba’t ibang advocacy films dahil mas nahahasa ang kanyang talent at mas natuturuan pa ng magandang asal ang mga manonood.

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.