Listahan ng mga Poker Boys na Pa-Booking, Humahaba na!

BLIND ITEM: HINDI lang online casino. Ang “in” sa mga young actors ngayon (lalo na sa mga hindi busy) ay ang poker.  Pero siyempre, sabihin n’yo nang pawanha-one hundred lang ang tayaan, ‘pag napapasarap ka ng upo, aabutin din ng malaki.

Ang problema, pa’no pag wala nang pang-poker?

‘Pag walang pang-poker, papahanap sa booker.

Ha-ha-ha!

Nauna nang nai-blind item natin sina RP, AJ at DC. Isa sa mga araw na ito, malolokah kayo ‘pag nalaman n’yo kung sinu-sino pa ang madadagdag sa ating listahan.

As we always say, kung hirap sa buhay kasi nga, walang project at kailangang makahugot ng pera para matustusan ang mga pangangailangan, maiintindihan namin.

Pero kung “magpapahada” ka, dahil meron kang “bisyong” gusto mong i-sustain kahit dapang-dapa ka na, parang hindi mo na yata nirerespeto ang sarili mo.

Gusto na lang naming isiping kesa magnakaw, eh, ‘di ipanakaw na lang ang kanilang lakas sa “mapagkakasunduang presyo.”

Alam na namin ang venue ng kanilang “pokeran” at malapit din doon ang kanilang “bookeran.”

Magka-rhyme, huh!

SA KANYANG TWEET, napasigaw siguro sa tuwa si Dra. Vicki Belo sa kanyang tinanggap na balita. Mga 2:45 pm kahapon, ‘eto ang kanyang tweet: “Yehey! Irene Kho won the libel case Katrina Halili filed against her in Cavite. God is good!”

Sa mga hindi nakakaalam, idinemanda ng libel ni Katrina ang nanay ni Hayden Kho, dahil sa mga paratang at masasakit nitong salita na lumabas noon sa mga diyaryo at news program.

Hindi lang namin alam kung magsasampa ng motion for reconsideration ang kampo ni Katrina. So sa ngayon, shall we say: “Congrats, Doc!”?

At siyempre, may isa pang sumunod si Dr. Belo: “Just finished having my Ulthera. I look 10 years younger. My face is firm and smaller.”

Makapag-Ulthera nga sa Belo Medical Group, hmph!

“PILIPINAS WIN NA Win Thundercats Edition sa Monday na!”

Ha-ha-ha! Gagah talaga ‘tong si Direk Willy Cuevas. Puma-punchline sa Twitter, kaya kung minsan, napapaaway ang kaibigan naming ito. Hindi niya kasi puwedeng i-compromise kung ano ‘yung nararamdaman niya, eh.

Tulad ng isang dayalog niya ng, “Ang pagmamahal ko kay Kris Aquino ay walang expiration!”

Si Direk Willy Cuevas ay nasa creative ng PWNW at siya rin ang nasa likod ng pagpapatawa ng Banana Split.

Kung babasahin namin ang nais niyang ipakahulugan, hindi siya sang-ayon na sina Marco Sison, Nonoy Zuniga, Rey Valera at Rico Puno ang pumalit sa magla-last day today na si Kris Aquino.

Pero malay naman natin, baka maka-jackpot ang mga “thundercats,”’ di ba? Let’s give them the chance. Pero kung hindi pa rin click, ang naiisip naming pupuwedeng bumagay roon ay si Ai-Ai delas Alas at isang lalaking host.

Si Ai-Ai ay palatawa at mahilig ding pumanch-line, kaya baka kerihin. Medyo ingat lang kay Rico Puno, dahil kahit magaling ang lolo n’yo, sobrang green naman.

Antabayanan natin.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn with Rommel Placente, Ms. F at Francis Simeon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

27 thoughts on “Listahan ng mga Poker Boys na Pa-Booking, Humahaba na!

  1. tunay po ang vaginal lock… vaginismus ang scientific term dito… nurse po ako at twice na akong nakaencounter ng case na yan… 

  2. Tama kayogn lahat, puta as in prostie si Vicki Belo. Maniac ang lola nyo. Grabe, gumastos sa lalaking mankay na si Hayden at ang nanay nitong pangit na swangit pa. Ha ha ha…mga puta, lahi ng puta, mag inang puta. Kadiri kayo Belo, Haden at Irene Kho. Go to hell. kasumpa sumpa kayo mga hayop kayo. Maagnas sana kayong tatlo!

  3. iba ang concert at tv shows. matagal lumalabas sa tv si rico and i have not dinig na nagkakaso siya because of obscenity

  4. Hey Ogie, nakita ko ang Bagong E-Live show today dito sa Tate, i like it way better kasi mas lively na that you are now a part of it kaysa dating E-Live show and the four of you have great rapport, hindi nagsasapawan! It is a lot funnier with your punch lines and i love the Blind Items. Pero sino ba yong BI mo na nagpa nose lift? At tsaka, sino ba yong four kings na BI mo na nagpabooking? Hindi ko alam lahat: I think the King of CD ay si Cogie Domingo yan; yong King of PR si Polo Ravales yon: yong dalawa hindi ko gets! Anybody knows?

    • Iyon talagang sugal hindi maganda kasi tingnan mo maski kaluluwa ibininta na nila dahil sa wala nang pera dahil sa sugal. These people need a life, sa daming naghihirap sa Pinas ngayon, they need to look around them and look at the poor people who could not even afford to eat. Mga walang mudong tao! Yong isinugal nila, ibinigay na lang sana nila sa mga batang pulubi para makapag-aral and it will lessen the drop outs and and street kids para makatulong sa pulubing Pinas.

  5. Pinintasan ng husto si Willie dahil bastos daw. Kumpara sa kabastusan (sexual) ni Rico J. wala sa kalingkingan ang kay Willie. Manood kayo ng conceerts ni Rico J. at baka umalis kayo ng di oras.

  6. yan naman si dra. belo hindi magkakaroon ng lalaki kapag hindi binili. mamabang uri siyang babae. amoy lupa na ang landi-landi pa. putatsing ang arrive niya kahit pa anong gawin nya. nakakaawa siyang babae at mga babaeng nagpaparetoke. they undergo enhancement to get fucked by younger men. that’s the hurting truth about women today. nagpapabata sila para sila ay maiyot hahahahahaha. walang moral.

  7. “Yehey! Irene Kho won the libel case Katrina Halili filed against her in Cavite. God is good!”

    Magkano naman ang nagastos mo sa pagbili ng ikakapanalo ng biyenan mong hilaw , Dra. Belo?

    Dr. Belo: “Just finished having my Ulthera. I look 10 years younger. My face is firm and smaller.”

    Iiwas ka lang, Dra. Belo sa mga maiinit at baka HUMULAS ANG IYONG MUKHA!!! Parang kandila iyan na sobra na sa gamot. You may look younger pero mas type pa din ni Hayden Kho kung wala kang pera ang mga sariwang bubot talaga. Kaya magtrabaho ka….Dra. Belo!!!!!!

    • oo nga. mukhang naaagnas na si belo. hindi naman siya mamahalin ng lalaki kung wala siyang pera no. sinong magtitiis sa amoy lupang katulad niya na kaya lang nagmumukhang bata ay dhail sa siyensya. wala siyang karapatang lumigaya dahil isa siyang puta. kaya kayod marino yan kasi kailangang may maibigay siyang datung kay hayden at sa parents niya.
      firm mo your face. kahit na anong gawin mong pabanat ay mukha ka pa ring golden girl!!!!!! prostitute!!!!!!

      • Kirina, yong mga Belo Product ba sa atin, (yong mga whitening lotion and all) effective ba yon? Kasi, dito ako nakatira sa abroad at mayrong mga Belo Product for sale sa Seafood City dito at mayroon ding Fanny Serrano product, gusto ko sanang bumili pero baka hindi totoong magaling na product, I don’t want to waste my money. What do you think? Thanks.

      • BELO PRODUCT, IT DOESN’T WORK. i GOT THE MOISTURIZER. IT COST MORE THAN THE RETINOL THAT I USE. IT DOES NOT WORK. I’M BACK TO MY RETINOL , WHAT WORKS THOUGH , IS THE PAPAYA SOAP. DOES NOT MATTER WHAT BRAND. I SEE SOME LIGHTENING OF MY SKIN. I DON’T USE IT TO GET LIGHTER. I LIKE IT BECAUSE IT MAKES MY SKIN SOFT.

      • Ay thank you, totoo talaga yong sinabi mo about the glutathione kasi I watched the 101 Belo show one time and ang artista na guest ay si Kayla, yong singer sa GMA7 na palaging itapat kay JR, at ipinakita sa show na nagpa injection sya ng gluthathione through intravenous route kasi mas madali raw ang effect sa gluthathione, kaya pala si Kayla mas lighter na ang skin ngayon compared sa noong una pa. Salamat sa info about the Belo whitening, napuna ko nga na parang mahal sya kaya hindi ako bumili kaagad. Salamat talaga.

      • ANOTHER THING, KUNG GUSTO MONG PUMUTI, PINSAN KO NAG OORDER LAGI NANG GLUTATHIONE SA PILIPINAS. kAILANGAN KASI NANG PRESCRIPTION. DOON SA PINAS, MADALING MAKAKUHA. ONE YEAR’S SUPPLY LAGI SIYA. . . . .ANG PUTI NIYA. . . .PERO ,TAKOT MAG SWIMMING. HINDI NIYA MA-ENJOY ANG KAPUTIAN NIYA. ANG KAPAL PA NANG SUNBLOCK NIYA PAG LUMALABAS NANG BAHAY. BRASO NIYA, KAILANGANG MAKAPAL ANG SUNSCREEN DAHIL PAG NAG DRIVE, ITO ANG UNANG NASUSUNOG. SUMMER TIME, MAHILIG SA LONG SLEEVES. THE PRIZE TO PAY FOR BEAUTY.

      • Ang glutathione na ginagamit sa pinsan mo, tablet ba iyon or injection? Ang hassle naman pala sa ipinagbawal na walang sun exposure. Totoo nga yong sinabi mo na the prize to pay for beauty. At saka I was wondering kong ano kaya ang side effect ng gluthathione in the long run. Wala bang side effect sa pinsan mo? Salamat talaga sa info mo, you are very helpful.

  8. Mas Ayos yan Thundercats…Kesa naman kila Poo,jason Chocolate at mga epal na ewan!! ang Ccorny di sila dapat pang araw araw.dapat sa kanila Guest lang!! kya di nag rate ang Win na Win..paiba iba ng games prang mga tanga..un din nman un meron pang OMG! ang corny! di bagay ang name sa game nila..mas okay pa nung una talga! Now sobra Corny di ako makatagal makanood nililipat ko kagad sa EaT Bulaga…dati di ako na nonood eat bulaga…pero now na nonood nako!! kesa mabadtrip lang ako sa mga mukhang mababahong Host ng Win na Win…Haysss kya naman pala ang nsa likod pala ng lahat ng yan eh un nsa Banana Split!! eh isa pang Corny yan!! haysss Ewan!!! cguro sa lunes umpisa ako manood kasi like ko sila RICO and Marco…pero kung sila chocolate or Poo,Jason ay anjan prin hay naku yoko na!! kakasuka! wala wenta mag patawa Corny!! Mas Ayos pa un Maginoo pero medyo bastos like Willie…at im sure si Rico mag CClik yan!! Babush!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.