Listahan ng Benepisyaryo ng Hacienda Luisita, Inilabas na

INILABAS NG Department of Agrarian Reform (DAR) ang preliminary at provisional list ng mga makikinabang sa lupain ng Hacienda Lusisita.

Sinabi ni DAR Sec. Virgilio De Los Reyes, kabuaang 5,365 magsasaka ang napasama sa preliminary list habang 1,221 naman sa provisional list.

Ayon sa kalihim, ang mga magsasaka na napasama sa preliminary list ay sigurado nang makakakuha ng lupa maliban na lamang kung may kumuwestiyon dito.

Habang ang mga nasa provisional list ay bibigyan ng pagkakataon hanggang Nobyembre 30 para magsumite ng karagdagang dokumentong magpapatunay ng kanilang karapatang magmay-ari ng nasabing lupain.

Kung mabigong makapapasa, hindi na ito mapapasama sa master list.

Samantala, idinikit na sa 10 barangay ng hacienda ang listahan at may kopya na rin ang kanilang mga lider.

Nagsumite na rin ang naturang ahensiya ng compliance report sa Supreme Court (SC) kaugnay ng isinasagawa nitong pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita. (PARAZZI REPOR-

TORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.