Liquor Ban, Palalawigin ng Comelec

BUKAS ANG Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang ipatutupad na liquor ban sa midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, pinag-aaralan nila ang kahilingan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na i-extend ang dalawang araw na liquor ban na nakasaad sa batas, pero malabo aniyang pagbigyan nila ang hirit nitong 45-day ban o halos isa’t kalahating buwan.

Katuwiran ni Brillantes, maaapektuhan ang negosyo ng alcohol kung susundin ang panukala ng MMDA.

Gayunman, tinalakay na nila ito sa en banc kahapon ng u-maga at titingnan kung maaaring ma-extend ang two-day liquor ban pero mas maigsi sa 45 na araw.

“’Yung two days, bisperas at saka araw ng eleksyon, ‘yan lang ang alam nating nasa batas… Whether we can expand, p’wede namang hindi 45 days, p’wede rin namang mas maigsi than 45 days pero mas mahaba kaysa sa two days. Itse-check po natin ‘yan ngayong en banc, nasa agenda po ‘yan.”

Samantala, una nang hiniling ng MMDA na paabutin ng 45 na araw ang ipatutupad na liquor ban sa panahon ng halalan para mabawasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga lasing na drayber.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.