Liquor ban, ikinasa sa bar exam

KASADO NA ang liquor ban sa paligid ng University of Santo Tomas (UST) sa Maynila kasabay ng bar examinations ngayong Oktubre.

Ito ay para maiwasan ang anumang kaguluhan tulad ng nangyaring pambobomba noong bar examinations sa De La Salle University taong 2010. Ito rin ang dahilan kung bakit inilipat sa UST ang pagsusulit.

Epektibo ang nasabing ban tuwing linggo sa buong Oktubre. Sakop nito ang mga establisyimentong nagbebenta ng alak sa paligid ng unibersidad.

Mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng gabi ang liquor ban.

Noong 2012, nagpatupad din ng liquor ban si dating Manila Mayor Alfredo Lim at itinuloy ito ni Mayor Erap Estrada ngayong taon.

Hati naman ang naging  reaksyon ng mga estudyante. Aminado rin ang management ng ilang establisyemento sa Maynila na malaking kawalan ito sa kanila lalo’t marami rin ang gustong magsaya at magselebra pagkatapos ng eksaminasyon.

Samantala, iginiit naman ng Manila government na prayoridad nila ang kapakanan ng mga estudyante at mga taga-suporta nito na inaasahang dadagsa sa naturang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.