Lipat-Singko na rin Christian Bautista, lalayas na sa Dos!

MATAGAL-TAGAL NA ring may bali-balita na isa raw sa malaki ang posibilidad na lilipat sa bakuran ng TV5 ay si Christian Bautista. Pero ngayon ay mas matunog ang usap-usapang mas malinaw na raw ngayon ang maaaring pag-oober da bakod sa Kapatid Network ng singer.

Ayon sa aming reliable source, tumawag daw si Sharon Cuneta kay Christian at tinanong ito kung gusto ba nitong sumama sa kanya sa TV5. Kinausap naman daw ng singer ang management ng Kapamilya Network at tinanong kung ano ang career plan sa kanya ng network.

Unang tinanong daw ni Chrsitian kung may seryeng ibibigay sa kanya na sa mga interviews nga namin sa kanya ay very open ang singer sa pagsasabing gusto niya uling bumalik sa pag-arte dahil anim na taon na ang nakakaraan nang mapanood siya sa fantaseryeng Kampanerang Kuba. Wala raw maibigay na serye ang ABS ngayong taong ito at baka sa susunod na taon na lang, bagay na lalo raw nagpa-disappoint sa Asian Sensation. Sa ASAP naman daw ay hindi pa rin siya male-level up kapantay nila Martin Nievera, Zsa-Zsa Padilla at Gary Valenciano.

Balitang ngayon daw ay may mga kinausap na malalapit sa kanya si Christian at pahaging na nagpapaalam na sa nalalapit na pag-alis sa pinagmulang network.

 

SA LAUNCHING ng mga bagong bubuksang shows ng TV5, nakausap namin si Carla Humphries, isa sa casts ng Felina, Prinsesa ng mga Pusa at gumaganap na kontrabida sa nasabing fantaserye, kung saan hiningan namin siya ng reaksyon sa kontrobesiya at mga kasong sinampa nila Tita Annabelle Rama at mag-iinang Nadia Montenegro, Ynna At Anykka Asistio sa isa’t isa dahil isa siya sa talents ni Tita Annabelle.

Ayon kay Carla, mahal sa kanya ang manager at malalapit naman niyang kaibigan sina Ynna at Anykka,kaya’t ang hiling niya ay maayos ang lahat lalo’t sa ganitong mga gulo ay apektado ang parehong kampo lalo’t dating magkaibigan ang dalawa.

Hiningan din namin ng reaksyon sa reklamo ng mga bata na grabe raw ang mental at verbal abuse na inabot nila kay Tita Annabelle, at kundi ba niya nararanasan ito sa manager. Nagbigay pahayag ang aktres na kilala naman itong matapang, prangka at kahit ‘di galit ay mukhang galit ‘pag nagsalita, ang kinakailangan lang ay makilala nang husto muna si Tita Annabelle na natural na niyang ugali ito.

Iwas namang magbigay ng komento tungkol sa isyu ng bugawan, para kay Carla ay isa itong legal na usapin at wala siya sa posisyon para magbigay ng sarili niyang saloobin.

Zero ang lovelife ngayon, ang pokus ni Carla ay ang kanyang career kung saan ayon sa aktres ay masaya na’t kuntento siya sa mga trabaho at projects na binibigay sa kanya ng TV5.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

9 thoughts on “Lipat-Singko na rin Christian Bautista, lalayas na sa Dos!

  1. hayysss nman xtian..wag nman sana..anu p hahanapin mu?dahil lang s gusto mung umarte?duhhh singer k nga db?kainis nman..gudlak nlang kung lumipat ka..sana nga mas lalo kang sumikat dun..gudlak!

  2. Christian please wag ka ng lumipat..paano na kita mapapanuod niyan sa TV eh d maganda ang signal ng TV5 dito samin :(( umalis na nga c sarah sa asap pati ba nmn ikaw? please wag na

  3. hayaan ninyo na sila ganon talaga kaya iyong mga idolo ninyo sa dos mawawala din iyan malalos at cyempre ang kapatid tv5 ang siyang laging tumutulong kaya dapat magpasalamat kyo mga kapamilya kailangan nila ng trabaho mabuti sana kung kyo ang magpapasuweldo hahahaha basta ang mahalaga may kalaban ang bawat network keysa naman wla…

  4. si carla humpries ay dating kapamilya talent at di nagkaroon ng chance na sumikat kase maraming magagaling na talent ang Dos.

  5. eh hindi naman kawalan ng kapamilya yang talentless christian na yan! and besides, eh di maganda, mawawalan na ng isa pang bakla ang kapamilya! hahahahaha

    dahu si carla humprise? dahu dahu dahu?

  6. naku sasama pa si christian kay sharon…eh la na talaga mangyayari sa career nun…keep pursuing international career…magaling kumanta but hindi magaling umarte…pahapyaw pwede pero kung derechong teleserye…wag na.  paano papantay kina zsa zsa, martin at gary eh mga beterano na yun…naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.