Linggo ng Senior Citizen, Iseselebra sa Navotas

ISANG SELEBRASYON ang gaganapin sa lungsod ng Navotas para sa mga miyembro ng Senior Citizens sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office, bilang paggunita ng Elderly Filipino Week sa darating na Oktubre 1-7, taong kasalukuyan.

“Pursuant to Presidential Proclamation no. 470, October 1-7 is declared as “Linggo ng Katandaang Filipino” (Elderly Filipino Week) which aims to promote public awareness of the rights and well-being of elderly people in the country,” ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco.

Kaugnay nito, inatasan ng nasabing alkalde ang tanggapan ng CSWDO at ang Office of Senior Citizens Affairs, na iorganisa ang buong linggong selebras-yong, kung saan magkakaroon ng Thanksgiving Mass sa OSCA Bldg. grounds ganap na alas-8 ng umaga sa unang araw ng naturang buwan.

Magkakaroon din ng engrandeng selebrasyon na pangungunahan ng 22 Senior Citizens ng Barangay Bangkulasi sa tapat ng Navotas City Hall sa dara-ting na October 2, alas-8 ng umaga.

Aabot din 400 senior citizens ang makakakuha ng libreng anti-flu vaccine mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon na gaganapin sa 4th floor, Pangisdaan Hall, Navotas City Hall Bldg.

At sa darating na October 4, magkakaroon din ng feeding program para sa mga preso ng Navotas City Jail na pangungunahan pa rin ng OSCA Federation.

Bilang karagdagan, nagpaunlak din ang alkalde ng lungsod ng isang raffle draw sa OSCA Bldg. grounds sa October 5, dakong alas-2 ng hapon. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.