Lima singko ang korap sa LTO

DALAWA UMANONG OPISYAL ng Land Transportation Office (LTO) sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area ang sinasabing punung-puno ng katiwalian at korapsiyon.

Ayon sa ilang LTO insider, kaya hindi makaahon-ahon ang mga Pinoy sa kahirapan ay dahil nananaig umano sa nasabing tanggapan ang bulok na sistema ng pamamalakad.

Sinabi pa ng source, ang LTO ay isang ahensiya ng pamahalaan na ‘di pahuhuli kung katiwalian ang pag-uusapan.

Lima singko ang mga korap na opisyal  sa opisinang ito. Klasikong halimbawa ay ang dalawang LTO officials sa area ng Camanava.

Kuwento pa ng LTO insider, naging marangya ang buhay ng dalawang opisyal na ito dahil sa angking galing sa ‘katiwalian’.

Wala raw sa bokabularyo nila ang magsilbi nang maayos. Ang palaging laman ng kanilang utak ay pagkakakitaan.

“Sa kanilang mga opisina, walang transaksiyon na matatapos kung walang ‘padulas’ na ibibigay ang kliyente,” sabi ng source.

Halimbawa ng kanilang kalokohan na pinagkakakitaan ay ang ‘non-appearance’ sa car registration renewal.

Sa car registration renewal, kailangang dalhin ang sasakyan sa  LTO para sa iba’t ibang proseso na dapat isagawa. Halimbawa ng isasagawang proseso para ma-renew ang registration ng sasakyan ay  ang tinawatag na emission testing.

Sa dalawang LTO officials na  ito, nare-renew ang car registration sa pamamagitan ng ‘non-appearance scheme’ kapalit ang ‘lagay’.

Ang maniobrang ‘yan ay isa lamang sa maraming pamamaraan ng dalawang opisyal na ito, kaya sila’y yumaman.

Malinaw na ang ginagawa ng dalawang opisyal na ito ay panyuyurak sa isinusulong na ‘Tuwid na Daan’ ng Pangulong Aquino.

Dapat sa dalawang ito ay sibakin ni P-Noy sa kanilang mga puwesto para naman mabawasan ang mga korap sa LTO.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.