Lilipad muna sa Japan: Vice Ganda, uumpisahan na ang pelikulang The Revengers!

Vice Ganda

PAALIS ang unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda bukas ng gabi (Saturday, July 1) patungong Japan. Pagbalik ay pelikula naman nila nina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla ang aasikasuhin niya. Ang final title nito na isinumite sa MMFF 2017 ay ‘The Revengers’.

Sa Japan ay may show siya sa darating na Sunday, July 2 para sa series ng bonggang show niya noon na “Pusuan Mo si Vice Ganda” na  ipapamalas niya sa mga kababayan natin sa Ichikawa City Cultural Hall na siyang ”free day or day-off” ng Pinoy OFW’s natin na doon nagta-trabaho.

Umikot na ang naturng show sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas and even abroad. Ang pinaka-recent ay ginawa sa Cebu City.

Sa Japan show, makakasama ni Vice Ganda ang ”Tawag ng Tanghalan” Champion na si Noven Belleza at ang mga favorite niya na sina Mc at Lassy na tinutulungan niya na magkapangalan sa showbiz at  for sure ay makakasama niya sa bago niyang pelikula.

Ang balik ni Vice ay sa Tuesday, July 4 na susundan naman ng pagsisimula ng shooting ng movie nila nina Pia at Danial under the direction Bb. Joyce Bernal.

Is it true special guest si Kathryn Bernardo para pagbigyan ang hiling ng mga KathNiel Fans?

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.