‘Like’ sa FB at Tweet, ‘Di Sakop ng Cybercrime Law

NILINAW NG Department of Justice (DOJ) na hindi pakikialaman ng ahensya ang mga personal na paggamit ng social networking sites tulad ng Facebook at Twitter kaugnay sa online libel provision ng kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act.

Sa isinagawang forum ng nasabing kagawaran at Department of Science and Technology (DOST) kaugnay sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act sa Landbank Plaza sa Malate, Maynila, sina-bi ni DOJ Asec. Geronimo Sy na hindi prayoridad ng Justice Department ang tingnan pa ang mga nabanggit na social networking sites.

“As a matter of priority, let me say it on my lawyer’s oath, blogging, individual comments, tweeting, boyfriend-girlfriend discussions – those are not the priorities of the Department of Justice.”

“It is very difficult as it is to catch fugitives from justice, what more individual tweets and individual likes. So let’s manage our expectations. Let the law work, see how can we manage the new law,” ayon sa opisyal.

Niilinaw rin ni Sy na hindi totoo ang kumakalat na isyu na 12-taong pagkakakulong ang parusa sa mga lalabag sa naturang batas.

Apat hanggang walong taong pagkakakulong lang ang maaaring ipataw sa mga lalabag at pagmumultahin lang ito ng P600 hanggang P6,000.

“I just wanna make a quick correction: In all the 15 petitions, they are saying that the penalty for libel now is 12 years, 10 years.”

“That’s an incorrect appreciation of the law. Presently, it is 6 months to 4 years. The correct reading is 4 years to 8 years. You may or may not agree with the penalty but I just want to correct an objective fact in the petitions. The fine is 600 to 6,000 pesos,” aniya.

Hindi rin dapat katakutan ang “take down” provision ng Cybercrime Law na nagbibigay umano ng kapangyarihan sa DOJ na i-block ang access ng isang website.

Ilang halimbawa aniya nang maaaring i-block ay ang mga website na nagsisilbing may banta ng terorismo at cybersex den tulad ng pagtuturo ng paggawa ng bomba o mass suicide.

Hindi rin nila pakikialaman ang pagbibigay ng blogger ng hindi magandang komento sa isang senador o pulitiko, dagdag pa ni Sy.  (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.