Lihim na galit ni utol Shabu, birthday gift sa kuya

ISANG  KUYA ANG naniniwalang nais siyang ipahamak ng nakababatang kapatid kaya naman Shabu at P20 ang kanyang natanggap na regalo sa kanyang ika-41 kaarawan noong Sabado sa Iloilo.

Ayon kay John Jed Gumban, residente  ng Arguelles St., Jaro, Iloilo City, inakala niyang “peace offering” ang ibinigay ng kanyang kapatid na si Jeffrey, 39 anyos, subalit ikinagulat ang laman nito na Shabu na nakapaloob sa maliit na plastik at may timbang na kalahating gramo kasama ang P20, at sulat.

Noong una ay galit ang naramdaman ng nakatatandang Gumban subalit nagdesisyon ito na i-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Naniniwala si John Jed na galit at nais siyang ipakulong ng nakababatang kapatid kaya niregaluhan siya ng iligal na droga.

Inamin din nito sa awtoridad na  may hindi sila pagkakaunawaan dahil sa pinag-aagawan na lupa sa isang barangay sa Ivisan, Capiz.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.