Ligtas na raw, dumiretso pa sa taping ng show
Wally Bayola, kinaladkad ng dumptruck ang sinasakyang motor

NAKAUSAP NAMIN si Ai-Ai delas Alas via phone patch sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado at katatapos lang daw niyang mag-therapy sa psychologist niya kaya medyo kalma ang boses nito.

Seryoso siya, pero nakipagbiruan pa rin siya sa amin ni Joey de Leon, dahil gusto na raw niyang makapag-move on.

Unti-unti na nga raw siyang nakapag-move on at tingin daw niya tatlong buwan lang okay na siya.

Hindi pa masagot ni Ai-Ai kung itutuloy nito ang pagdemanda kay Jed Salang dahil wala pa raw rito ang abogado niya. Kapag dumating na raw ang abogado niya galing sa ibang bansa, doon na raw nila pag-usapan kung kakasuhan ba nila o kung ano ang ikakaso.

Pero mas gusto na lang daw ngayon ni Ai-Ai na mag-move on na at mag-focus na lang sa  mga anak niya at sa trabaho. Ayaw na raw muna niyang ma-in love pa at baka magkamali na naman siya.

Sabi ko nga kay Ai-Ai, mag-por kilo na lang siya, ‘no! Magbayad na lang siya kung makipag-boyfriend siya. Obvious namang datung lang niya ang hahabulin kaya pay na lang siya!

Pero tingin ko tatagal pa ang isyu nilang dalawa at baka umabot nga sa demandahan dahil ang dinig ko kung anu-anong litrato raw ni Ai-Ai ang pinu-post ni Jed sa Instagram niya.

Mga kahalayan yata ang pinu-post, na ang dinig ko may sexy video pa sila. Pero siyempre iba na ngayon, dahil meron na tayong batas sa ganu’n kaya mag-ingat din dapat si Jed.

Kung may kahalayan siyang ibubunyag kay Ai-Ai, meron din ang huli siyempre. Pero hindi na maganda at ayaw na ‘yang patulan ni Ai-Ai.

 

NABALITAAN KO ngayon lang na naaksidente raw si Wally Bayola sa motor niya, nang kinaladkad daw ito ng dumptruck.

Hirap na hirap nga raw itong makalad at masakit pa raw ang katawan. Pero safe naman siya at hindi na nagpasugod sa hospital.

Tumuloy pa rin daw ito sa taping ng Celebrity Bluff kahapon. Hindi ko pa alam kung ano na ang nangyari dahil wala pa raw siya sa studio nu’ng nagdi-deadline ako.

Parang sunud-sunod din itong nangyayaring problema ni Wally dahil ang alam ko, meron din itong dinadalang problema sa anak niya na may malubhang sakit. Iniiwasan lang itong pag-usapan ni Wally dahil mas gusto niyang nasa pamilya na lang ‘yun at hindi na kailangang isapubliko dahil hindi naman daw showbiz ang anak niya.

Okay na rin naman yata siya ngayon, at tinuloy pa rin ang trabaho.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Ligtas na raw, dumiretso pa sa taping ng show
Wally Bayola, kinaladkad ng dumptruck ang sinasakyang motor

  1. hirap mag artista…. masama na nga ang loob, dami na problema, pero pag harap sa kamera parang sila na ang pinakamasayang tao sa mundo… sana makarecover kana agad wally maging ang iyong anak.. more power.

Leave a Reply

Your email address will not be published.