Lifestyle check sa DPWH: CORRUPT OFFICIALS, KAKASUHAN!

KASALUKUYANG NASA “HOT water” ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos hilingin ng tanggapan ng DPWH Secretary sa Philippine Anti-Graft Commission (PAGC) na isailalim sa ‘lifestyle check” ang lahat ng mga opsiyales ng departamento upang mabawi ng pamahalaan ang mga hindi maipaliwanag na tagong yaman ng mga ito at sampahan na rin ng kaukulang kaso ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas.

Sa kasalukuyan, umaabot sa labing-tatlong (13) Regional Director sa buong bansa at mahigit sa 200 District Engineer ang pinaniniwalaang nagkamal ng limpak-limpak na salapi mula sa hindi maipaliwanag na pinanggalingan.

Nabatid mula sa kalihim na uunahin niyang isalang ang mga Undersecretary, Assistant Secretary, Regional Director, Project Management Office Director (PMO) at mga District Engineer.

Ang nasabing kautusan ay isinagawa bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III, bunsod na rin sa talamak na nakawan sa DPWH ng mga sinasabing opisyal na nagpayaman sa pamamagitan ng over-pricing sa mga projects at hokus-pokus na paggawa ng mga infrastructure project noong nakaraang administrasyon.

Napag-alamang nasa listahan na rin bilang priority na isasalang sa lifestyle check ang dalawang District Engineer sa lalawigan ng Leyte kasabay ng dalawang Usec. at anim na Assec. sa DPWH.

Kinilala ang mga district engineer na sina Maya Junia ng Leyte II Engineering District dahil sa umanoy nagpatayo ng mansion na may kasamang swimming pool katabi ng kanyang bahay na aabutin ng sampung milyong peso, at si Leo Pica ng Leyte III Engineering District na umano’y nagpatayo rin ng magarang bahay sa Villaba, Leyte na kung suweldo ang pagbabasehan ay hindi kayang magpatayo ng malaking bahay at magpaaral ng mga anak sa mga exclusive school sa Tacloban City.
Ibinunyag ng isang insider ng Regional Office ng Region VIII sa Tacloban City na ang bahay ni Pica ay isa pinakamaganda sa kanilang lugar kung kaya’t  usap-usapan ng kanyang mga kapitbahay ang kanyang ipinatayong mala-palasyongbahay.

(Froilan Morallos)
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Lifestyle check sa DPWH: CORRUPT OFFICIALS, KAKASUHAN!

  1. ikulong lahat yan at freeze at kunin ang lahat ng kanilang assest kamukha sa mga trabahador ng gobyernong nagkasala dito sa abroad !

Leave a Reply

Your email address will not be published.