Liezel Sicangco, maraming pasabog: Ex-wife ni Robin Padilla, palaban!

NANG NAKAUSAP NAMIN sa Startalk ang dating asawa ni Robin Padilla na si Liezel Sicangco, mukhang palaban na ito at parang gustung-gusto na nitong magsalita laban kay Robin.

Mabuti’t pinipigilan muna ito ng mga staff namin dahil baka kung anu-ano ang masabi, hindi naman namin makunan ng sagot si Robin.

Ang gusto lang naman ni Liezel ay makuha ang bunsong anak nilang si Alih dahil sa sobrang nag-aalala na siya nang nabalitaan nitong nagkasakit si Alih at inoperahan ito sa appendix.

Ang huling balita naman niya ay nagkasakit din daw ang panganay niyang si Queenie at na-hospital din ito pero alam niyang kaya na ni Queenie na pangalagaan ang sarili niya.

Ang concern lang niya talaga ay si Alih dahil 10 years old pa lang ito at sa tingin daw niya kailangang mabantayan nang mabuti lalo na ang pag-aaral nito.

Matindi ang mga pahayag ni Liezel na takot daw si Alih kay Robin kaya tinitiis nito kapag may naramdaman siyang sakit.

Ang lagi raw sinasabi ni Robin, “You’re a man, you’re not gay!” kaya dapat na hindi ito nagpapakita ng kahinaan.

Siyempre nag-react du’n si Robin dahil hindi naman daw totoo ‘yun. Una, hindi naman daw niya sasabihin ‘yung “gay” dahil may kapatid siyang bading. Ang sinasabi lang daw niya ay “you’re not a girl” hindi “gay”.

Pero ayaw muna ni Robin na salubungin ang galit ni Liezel dahil hindi sila magkakasundo.

Ang nakarating naman sa akin, ibibigay naman daw ni Robin si Alih kay Liezel pero huwag daw muna ngayon dahil nag-aaral pa ito. Puwedeng tapusin daw muna nito ang pag-aaral niya.

Sabi naman ni Liezel, hindi na nag-aaral itong si Alih dahil sa kasasama kung saan magpunta si Robin, na itinatanggi naman ito ng kampo ng aktor.

Mukhang marami pang gustong ibunyag si Liezel pero marami pa raw siyang iipuning ebidensiya bago siya magsalita uli.

Pagkatapos niyang magsalita sa Startalk, mananahimik na lang daw muna siya dahil mabuting respetuhin na lang daw ang pananahimik ng dating asawa, dahil nasa Ramadan ito. Pero hintayin na lang daw pagkatapos ng Ramadan, ilalabas niya ang lahat na mga ebidensiyang hawak niya, dahil marami raw siyang dapat na ipaglaban kay Robin.

Naku! Mukhang lalala pa ang gulong ito kaya siguro dapat na ayusin ito ni Robin nang maayos para manahimik na si Liezel. Ibigay na lang niya siguro ang anak niyang si Alih dahil sa ganu’n pa kamurang edad, dapat namang nasa Nanay niya muna ito.

MAGSISIMULA NA NGAYONG linggo ang shooting ng Agimat ni Enteng na pagbibidahan nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto.

Ipinakilala na ng GMA-7 ang makaka-partner ni Bossing Vic na gaganap bilang Faye na asawa ni Enteng Kabisote, pero ang kay Sen. Bong naman wala pang napagdesisyunan.

Ang unang balita, si Toni Gonzaga raw pero mukhang wala pang katiyakan iyan dahil may kontrata si Toni sa Star Cinema.

May mga ibang baguhang artista na pinagpilian pero hindi ko naman type. Pero ang GMA Films naman daw ang bahala riyan, kaya hindi na ito pinakikialaman ni Bong.

Sabi naman niya, hindi na importante sa kanya kung sino ang ka-partner niya. Masaya na raw siya na magsasama sila ni Vic sa isang malaking pelikula at pang-MMFF pa, ‘di ba? Bongga na ‘yun!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

21 thoughts on “Liezel Sicangco, maraming pasabog: Ex-wife ni Robin Padilla, palaban!

  1. Network war nga natural sisirain ni lolit solis si robin.. Ang tanda mo na lolit demonyo ka pa din magbago ka.. Nagagawa nga ni robin pag aralin ang ibang batang muslim at tumulong sa iba sa mga anak nya pa kya.. Ginagamit lang ng GMA si liezel pra sirain si Robin at ito nman PALAKANG liezel nagpagamit nman npaka bobo.. Bitter msyado kung kailan gumwapo si Robin saka sya naghabol..hahaha

  2. napaka echosera talaga tong si lolit pinagdildilan tlaga para mapalabas na walang kwentang ama si robin….. BRAVO lolit and liezel dahil jan napatunayan nyo lang na malaki itong kasinungalingan. Ang prize nyong dlawa trip to impyerno

  3. Maawa ka sa mga anak mo liezel, sarili nilang ama sinisiraan mo sa knila, ikaw ang ina nakatihaya ka lang jan kasama ang bagong ASAWA mo, d ba dpat ikaw mag-alaga sa mga anak mo. Kakasuka ka sinungaling

  4. HAAY LIEZEL BAT DI KA GUMAYA KAY MICHELLE ASAWA NI OGIE OK SIYA SA EX HUSBAND NYA SUPORTADO PA SA LOVELIFE. TAAMMAAA NAGPAGAMIT KA LANG SA ISA PANG PALAKANG SI LOLIT SOLIS. DI NAMIN AKALAIN NA GANYAN KA KABABANG TAO.

  5. liezel parang wala kayong pinagsamahan ni robin pra crain mo sya ng gnito. Sbi mo pa sa TV5 interview mo prang ayw mong mag-asawa si robin npaka UNFAIR mo nman ikw pa ang babae ikaw pa unang nag-asawa. Hahaha LL loser-liezel, tumigil ka na lang wla nman naniniwala sa ksinungalingan nyo ni lolit pangit.

  6. Lolit solis kung ano ano nga sinusulat mong paninira sa mga artista magpakamatay ka na hoy tanda mo na mamamatay kang sinungaling sige ka

  7. naku nung nsa gma si robin hndi nman nagsalita itong si liezel ngayon may lovelife na si robin at masaya saka nagdadadakdak. Sayang ka teh, mawawalan ng respeto sayo ang mga tao dahil sa kasinungalingan mo.

  8. Network war nga natural sisirain ni lolit solis si robin.. Ang tanda mo na lolit demonyo ka pa din magbago ka.. Nagagawa nga ni robin pag aralin ang ibang batang muslim at tumulong sa iba sa mga anak nya pa kya.. Ginagamit lang ng GMA si liezel pra sirain si Robin at ito nman PALAKANG liezel nagpagamit nman npaka bobo.. Bitter msyado kung kailan gumwapo si Robin saka sya naghabol..hahaha

  9. Lolit magkano ang binayad ni willienghiya sayo ng nag front ka sa presscon niya. dati rati ayaw mo ki willienghiya bat ngayon guston gusto mo na siya. malaki talaga ang nagagawa ng pera..

  10. Na appendectomy na dahil pumutok ang apendix nang anak ni Robin na si Ali. Too young to go through this. Pag nakakaramdam nang sakit ang bata, pabayaang umiyak at maglambing sa magulang at huwag pagagalitan. Hindi pinapayagan ni Robin na umiyak ang anak kaya siguro tiniis na lang ang sakit hanggang sa lumala. Ang apendix, kapag pumutok at hindi kaagad naagapan, can be fatal. Robin may be too busy ang can not closely watch his son, who in my book is still a baby.

  11. i agree with you pokwang. ang kapal tlaga ng mukha ng matandang lolit nayan kht si kris ayaw tigilan wla ng sinabing maganda ky kris palibhasa natalo si villar at baka wala ng makuhang datong kya yon si kris pinag iinitan baboy ka lolit kay sarh ka nalang mang dilhensya yon puwede para hindi naman masayang ang magandang sinasabi mo kay sarah g pag kapirahan mo narin kc dyan ka namn magaling o baka naman tlagang nalalangisan na ni sarah yang nguso mo kaya ok na ok sayo

  12. Lolit, dapat between family na lang ito, wag nang manghimasok ang press, maawa kayo sa mga anak dahil sila ang apektado sa ginagawa nyong pagpapalaki ng gulo at gawing circus ang lahat. Wala ka talagang kunsensya. Ikaw na gumawa ng napakaraming gulo sa buhay mo, at pinatawad pa rin, hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago. Dapat ang advocacy mo ay kung papano magamit ang position mo para makatulong ka sa ikabubuti ng Pilipinas. Matanda ka na masyado para laging makisawsaw at lalong paguluhin ang buhay ng ibang tao. Wala ka na ba talagang balak baguhin ang buhay mo? Hindi mo na alam kung kelan ka papanaw sa mundo sa idad mo, kaya magbago ka na. Hindi ka na nakakatuwa tulad nung araw.

  13. Ano bang pinag-iisip ni Robin…in bad taste naman yung ipakita sa tv yung pag-circumcise sa anak n’ya ,minor pa yung bata hindi dapat ibalandra on national tv ang mga ganong bagay at saka dapat nag-aaral talaga yung bata….

      • oo nga pinag-aaral pero at 11 yrs. old mas nasa TV na ang priority nila …ano yun half day lang sa school at full time na sa showbiz..then pag natrouble hahanap ng sisihin…

      • MAS MALAKI ANG PANGANGAILANGAN NI ROBIN KAILANGAN KUMITA. DRY SEASON KASI. TAGTUYOT. WALANG MOOLAAAAH, KAYA PATI MUSMOS NA ANAK GUSTONG ISABAK SA TRABAHO. ROBIN USES HIS KIDS TO MAKE MONEY.

  14. Queen of all scams ka Lola Lolit Solis, intregera ka na wala sa lugal. Bad mouthing ka palagi as usual.
    Kilala ka na ng mga tao. Legendary na mandaraya ka dahil sa gahaman ka sa pera.

    Usual trick mo, kakausapin mo muna artista, pag hindi pumayag sa gusto mo, ibubulgar mo kuno sa media mga sikreto sa buhay ng artista. At para hindi mo na atakihin sa media, babayaran ka na..instant cash.

Leave a Reply

Your email address will not be published.